CAMback is real: John Lloyd Cruz, kumpirmadong mapapanood sa GMA Network

CAMback is real: John Lloyd Cruz, kumpirmadong mapapanood sa GMA Network

-Mapapanood sa Kapuso Network ang kilalang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz

-Sa isang Instagram post ng GMA, kinumpirma nito ang balita

-Sa nasabing post, makikitang kasama ni Lloydie ang Wowowin host na si Willie Revillame at Direk Bobot Mortiz

-Kamakailan lang nang maging usap-usapan ang pagpirma ng aktor sa talent agency ni Maja Salvador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumpirmadong mapapanood ang aktor na si John Lloyd Cruz sa Kapuso Network. Ito ang pagbibida ng GMA sa kanilang post sa Instagram.

Sa nasabing post, ibinahagi ng GMA na malapit nang muling masilayan ng mga fans si Lloydie.

Sa naturang post, makikita si John Lloyd kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame at si Direk Bobot Mortiz.

CAMback is real: John Lloyd Cruz, kumpirmadong mapapanood sa GMA Network
Photo: John Lloyd Cruz (@crownartistmgmt)
Source: Instagram

"Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz... At mukhang may dapat abangan soon!" ayon sa post.

Read also

Mayor Isko Moreno, bumilib sa enforcer na humuli sa viral na lady driver

Marami ang nagulat sa balitang ito pero marami rin ang na-excite sa pagbabalik ni John Lloyd na nakilala bilang Kapamilya actor.

Dati nang naiulat na nagkita sina Kuya Wil at John Lloyd sa isang bakasyon sa Puerto Galera. Sa isang episode ng Wowowin, 'di napigilan ni Willie na ibahagi nang magkausap sila ng aktor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

"Gusto ko lang batiin 'yung kaibigan nating si John Lloyd. Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami. Nagkuwentuhan kami sa buhay. Tinanong ko siya, 'Bakit ka ba huminto?' Maganda 'yung mga rason niya eh.

"Burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. 'Pag gising ko, shooting. 'Pag tulog ko, 'pag gising ko, shooting.' 'Yun bang binigyan niya ng halaga 'yung sarili niya. Dapat ganyan din tayo eh," kwento ni Willie.

Read also

Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, sangkot umano sa ilegal na droga

Kamakailan lang nang maging usap-usapan ang pagpirma ng aktor sa talent agency ni Maja Salvador na Crown Artist Management (CAM).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Taong 2017 nang gulatin ni John Lloyd ang publiko nang mag-file ito ng indefinite leave of absence sa showbiz industry. Pagkatapos nito ay napag-alamang pinili nitong mamuhay ng simple kasama ang ex na si Ellen Adarna at nagkaroon ng isang anak.

Sa isa pang report ng KAMI, dinumog ng fans ang mga social media accounts ni John Lloyd nang sa wakas ay gumawa na ito ng sariling FB at Ig accounts.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel