Mayor Isko Moreno, bumilib sa enforcer na humuli sa viral na lady driver

Mayor Isko Moreno, bumilib sa enforcer na humuli sa viral na lady driver

-Pinuri ni Manila Mayor Isko Moreno ang traffic enforcer na si Marcos Anzures Jr.

-Si Anzures ang enforcer sa viral video kung saan isang lady driver ang naaresto dahil sa paglabag nito sa batas trapiko

-Bumilib si Mayor Moreno dahil sa ipinakitang maximum tolerance ni Anzures

-Desidido naman ang huli na magsampa ng kaso laban sa lady driver na nagtamo ng mga sugat dahil sa pananakit ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinuri ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang traffic enforcer na si Marcos Anzures Jr.

Si Anzures ang enforer sa viral video na nakuhanang sinaktan at pinagmumura ng babaeng motorista na nakilalang si Pauline Mae Altamirano.

Nauna nang naiulat na sinita si Altamirano dahil sa paglabag nito sa batas trapiko ngunit nagmatigas ito at sinubukan pa umanong tumakas.

Read also

Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, sangkot umano sa ilegal na droga

Mayor Isko Moreno, bumilib sa enforcer na humuli sa viral na lady driver
Photo: Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso (Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Dahil sa ipinakitang maximum tolerance ni Anzures ay bumilib dito si Mayor Moreno.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

"I would like to thank that traffic enforcer na napakataas ng tolerance niya. Talagang nagbago na unti-unti ang traffic enforcer ng Maynila. I'm very proud of him," anang alkalde ng lungsod.

Ayon naman kay Anzures sa isa sa mga panayam dito, labis na pagtitimpi ang kanyang ginawa sa babae.

"Nagpipigil po talaga. Talaga... kasi 'yun po ang ano sa amin, ang kabilin-bilinan po, "huwag kayong maging arogante"," anito.

Desidido naman si Anzures na sampahan ng kaso ang babaeng motorista na nagtamo ng mga sugat dahil sa pag-atake rito ng huli.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Viral na babaeng nanakit ng enforcer, mahaharap sa sandamakmak na kaso

Sa isa pang report ng KAMI, sandamakmak na kaso ang haharapin ng naturang lady driver matapos matuklasan ang iba pang paglabag nito.

Bukod kasi sa mga nauna nang reklamo laban dito, nadiskubre ring sangkot ito sa ilegal na droga.

Mahaharap din ito sa kasong falsification of documents at forgery si Altamirano dahil sa ipinakita nitong mga ID na may magkakaibang pangalan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel