Duterte kay Willie Revillame: "Gusto ko sanang maging senador ka"
- Kinumusta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "Wowowin" host na si Willie Revillame
- Bagaman at hindi raw sila madalas na nagkikita, lagi umanong naiisip ng presidente si Revillame
- Nais daw niya kasi itong tumakbo sa pagka-senador sa Eleksyon na gaganapin sa 2022
- Sinabi pa ng presidente na 'open ang slot" ni Revillame hanggang sa huling minuto na kailangan nitong magdesisyon kung tatakbo o hindi
- Hiniling din ng pangulo ang patuloy na pagtamasa ng tagumpay ni Revillame sa show nito na "Wowowin"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang video ang inilabas ngayong Hunyo 11 kung saan makikita ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Wowowin host na si Willie Revillame.
Nalaman ng KAMI na kinumusta ng pangulo si Willie na matagal na umano niyang hindi nakasasama.
Gayunpaman, sinabi nitong lagi pa rin niyang naiisip ang host na nais sana niyang tumakbo sa senado sa darating na Eleksyon sa 2022.
"Willie, si Mayor 'to, kumusta ka? Matagal na tayong 'di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka"
Ayon kay Duterte, nagdadalawang isip umano si Revillame ayon kay Bong Go.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Subalit iginiit ng pangullo na open ang naturang slot hanggang sa huling minuto na kailangan nang magdesisyon ni "Kuya Wil."
Samantala, hiniling din ni Pangulong Duterte na patuloy na magtagumpay ang show ni Willie lalo na at hinahangaan daw nito ang karisma ng host sa masa.
"Bilib ako sa appeal mo sa masa, Mabuhay ka!"
Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ng GMA News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayamang artista sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kilala rin siya sa pagtulong siya sa mga kababayan nating nangangailangan at kamakailan nga, boluntaryo siyang magpapahatid ng tulong sa napanood niyang jail doctor sa dokumentaryong "I-witness."
Isa rin siya sa mga tumulong sa mga kababayan nating jeepney drivers na ilang buwang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon dahil sa community quarantine at ang ilan ay hindi na nakabalik sa pamamasada.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh