Amanda Zamora on life after PBB Connect: "It's hard but fun!"

Amanda Zamora on life after PBB Connect: "It's hard but fun!"

- Ibinahagi ni Amanda Zamora ang mga kaganapan sa kanyang personal na buhay at maging sa kanyang career matapos ang 'Pinoy Big Brother Connect'

- Isa sa mga naikwento niya ay kung ano ang pakiramdam na maging panganay na anak ng isang kilalang pulitiko

- Aminado rin si Amanda na hindi niya inaasahan ang reaksyon ng fans pagdating sa nabuong love team nila ni Chico Alicaya

- Sa ngayon, abala si Amanda sa isang music video at sa pinakauna niyang studio guesting

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga talagang sinubaybayan sa Pinoy Big Brother Connect ay ang "Unique-a Hija Darling ng San Juan" na si Amanda Zamora.

Siya ang panganay sa apat na magkakapatid at nag-iisang anak na babae ni Mayor Francis Zamora ng San Juan City.

Sa ekslusibong panayam ng KAMI kay Amanda, naibahagi niya ang ilang detalye sa tungkol sa kanyang personal na buhay at maging sa itinatakbo ng kanyang career.

Read also

Alex Gonzaga, ibinahagi ang pagturo niya ng music class sa pamangking si Seve

Amanda Zamora about life after PBB: "It's hard but fun!"
Photo: Amanda Zamora (Amanda Zamora - AMANDAmazings OFFICIAL)
Source: Facebook

Una nang naikwento ni Amanda ang pagiging isang anak ng kilalang pulitiko sa bansa.

"It feels normal thank you. chz HAHAHHA BUT WALA NORMAL LANG TALAGA heh"

Taong 2018 nang pasukin niya ang mundo ng modeling sa edad na 16 at ito ay ang fashion show ng Bench.

Matatandaang sa pagpasok niya sa "Bahay ni Kuya" sa ika-35 na araw ng PBB connect, isa sa mga naging komento sa kanya nina Toni Gonzaga at Robi Domingo ay ang kanyang "height" na pang-modelo talaga.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang modeling project niya sa "Mega fashion week"

"The whole week of mega fashion week cos iIwas able to wear different clothes and make up!!"

Nabanggit din ni Amanda na biggest dream talaga niya ang maging isa sa mga housemates sa bahay ni kuya.

"It was really my biggest dream & life after that is…hard but fun"

Determinado rin siyang ipagpatuloy ang acting, modeling at hosting career niya. Katunayan, abala si Amanda ngayon sa isang music video at sa kanyang pinakaunang studio guesting. Nais din niyang makatrabaho balang araw si Donny Pangilinan.

Read also

Kris Aquino, nagbahagi ng umano'y palatandaan na "player" ang isang lalaki

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Isa rin sa pinakaaabangan ng kanyang mga fans at supporters ay ang love team nila ng kapwa PBB housemate niya na si Chico Alipaya. Ayon kay Amanda, hindi rin niya inaasahan ang suporta ng fans sa tandem nila ni Chico.

" I didn't expect but seeing the reactions makes me happy & I'm really comfy working with @chico_alicaya cos we good friends!! hehe"

Ibinuking din ni Amanda na bagaman at marami silang "things in common" ni Chico, may bagay din silang hindi napapagkasunduan.

"We love hanging with our friends and spending weekends out!! but he likes binge watching stuff while i donttt"

At ang real score sa "relationship" nila ni Chico; "its chill its fun we’re learning things ab the industry together i guess!!"

Labis ding nagpapasalamat si Amanda sa pagmamahal at suporta na patuloy na ipinararamdam sa kanya ng kanyang mga fans.

Read also

Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa

"Thank ypu to those who didn’t leave me i promise to not disappoint ya & im thankful for u everyday abangan niyo nalang..yung mga ganap ko"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Amanda Zamora ay isinilang noong June 30, 2001. Siya ang panganay ay nag-iisang anak na babae ng kasalukuyang alkalde ng San Juan na si Mayor Francis Zamora. Siya Amanda pinakahuling na-evict sa Pinoy Big Brother Connect kung saan naiwan na lamang sina Andrea Abaya, Kobie Brown, Jie-Ann Armero at Liofer Pinatacan na siyang bumuo sa Big 4.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ilan sa mga mga kilalang artista ngayon na produkto rin ng Pinoy Big Brother House ay sina Melai Cantiveros, Kim Chiu at Maymay Entrata.

Read also

Buboy Villar, binati si Angillyn Gorens sa kaarawan nito

Maging si Andrei Brouillette na kamakailan ay naiugnay kay Miss Universe Philippines Universe ay naging bahagi rin ng popular na "Bahay ni Kuya."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel