Alex Gonzaga, ibinahagi ang pagturo niya ng music class sa pamangking si Seve

Alex Gonzaga, ibinahagi ang pagturo niya ng music class sa pamangking si Seve

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang pagturo ng music class sa kanyang pamangking si Seve Soriano

- Itinuro niya ang Japanese song na Sho-jo-ji na nauna nang nag-trending matapos ibahagi ni Toni Gonzaga sa kanyang Instagram account

- Kinaaliwan ng mga netizens ang pagiging makulit ni Alex sa kanyang bibong-bibong pamangkin

- Maging ang mga magulang niyang sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay kanyang pinakanta din ng nasabing awitin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ngayon ang video ni Alex Gonzaga kung saan pinasilip niya ang kanyang pagturo ng umano'y music class sa pamangking si Seve Soriano. Tinuruan niya ito ng awiting Sho-jo-ji na hango sa Japanese song na Shōjōji no tanukibayashi.

Alex Gonzaga, ibinahagi ang pagturo niya ng music class sa pamangking si Seve
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Matatandaang nauna nang naibahagi ni Toni Gonzaga ang pagkanta ng mag-tita ngunit imbes na mukha nila ay memoji ang nakikitang kumakanta sa video.

Read also

Idol Raffy Tulfo, nagsumbong kay Toni Gonzaga tungkol sa ginawa ni Alex sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May inihanda pa itong kopya ng lyrics ng kanta na kanyang isinulat sa manila paper habang si Toni naman ang kanyang tagakuha ng video sa kulitan nila ni Seve.

Narito ang reaksiyon ng netizens sa music class ni Seve sa kanyang tita.

Haha humanda kana teacher Dan! Yung pati ikaw napapasabay sa pagkanta HAHAHA best music class ever
Yung ayaw makinig ni Seve kay Alex tapos nung nangisay sya, nangisay din si Seve hahaha.. Trip lang ni Seve sumunod sa Tata nya pag sa kalokohan eh. Manang-mana talaga sa Tata nya. Haha
Sobrang hyper ni Alex parang gusto mo na lang manahimik kapag kasama mo siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Video ng interview ni Julia Barretto kay Dennis Padilla, naka-private na

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel