Idol Raffy Tulfo, nagsumbong kay Toni Gonzaga tungkol sa ginawa ni Alex sa kanya

Idol Raffy Tulfo, nagsumbong kay Toni Gonzaga tungkol sa ginawa ni Alex sa kanya

- Sa panibagong episode ng ToniTalks ni Toni Gonzaga, nakapanayam niya si Raffy Tulfo

- Dito napag-usapan nila ang tungkol sa personal na buhay ni Idol Raffy simula noong bata pa lamang siya

- Nabanggit din ni Idol Raffy kung gaano siya nakaramdam ng sobrang hiya nang makasama niya si Alex Gonzaga sa grocery store

- Gayunpaman, aniya ang personalidad na iyon ni Alex ang naging dahilan na nagustuhan at minahal siya ng mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos nga ipalabas sa Raffy Tulfo in Action ang video ng pagpa-prank ni Toni Gonzaga sa kanyang Uncle Jojo, marami ang umasa na mapapanood sa YouTube channel ni Toni si Raffy Tulfo.

Idol Raffy Tulfo, nagsumbong kay Toni Gonzaga tungkol sa ginawa ni Alex sa kanya
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Tito Vince at Tatay Elon, nagkaprangkahan tungkol sa mag-inang Toni at Tyronia

Sa isang episode ng ToniTalks ni Toni, nakausap niya at mas nakilala pa ang binansagang "sumbungan ng bayan" na si Idol Raffy.

Naikwento nito ang tungkol sa kanyang personal na buhay at ang tungkol sa buhay niya bilang pang-walong anak sa kanilang sampung magkakapatid.

Nabanggit din ni Idol Raffy ang tungkol sa kanyang naging karanasan sa isang vlog ni Alex Gonzaga kung saan nagkasama sila sa isang grocery store.

Nangingiti na lamang si Toni nang sabihing ginagawa umano ni Alex sa Mommy Pinty nila ang ginawa nito kay Idol Raffy.

Kwento niya kay Toni, nakaramdam siya noon ng sobrang hiya dahil sa mga ginawa ni Alex ngunit tila wala lang daw kay Alex iyon dahil iyon ang kanyang personality at iyon naman daw ang dahilan kung bakit marami ang nagmamahal sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Customer na nag-post tungkol sa "fried towel," dumulog kay Raffy Tulfo

Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.

Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel