Tito Vince at Tatay Elon, nagkaprangkahan tungkol sa mag-inang Toni at Tyronia

Tito Vince at Tatay Elon, nagkaprangkahan tungkol sa mag-inang Toni at Tyronia

- Sa pagbisita ng totoong ama ni Tyronia Fowler, hindi napigilang maging emosyonal ni Toni Fowler

- Sa vlog ni Vince Flores, napagpasyahan niyang huwag palampasin ang pagkakataon na mas makilala pa si Aaron Israel Manalo o mas kilala sa tawag na Tatay Elon

- Kabilang sa kanyang itinanong dito ay tungkol sa mga napagdaanan nila noon ni Toni noong magkarelasyon pa sila at ang naging dahilan ng paghihiwalay nila

- Naitanong din ni Tito Vince kung ayos lang ba sa kanya kung sakaling liligawan niya si Toni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinalang ni Vince Flores ang dating karelasyon ni Toni Fowler at tunay na ama ni Tyronia na si Aaron Israel Manalo o mas kilala sa tawag na Tatay Elon sa isang tanungan. Ibinahagi niya ito sa kanyang YouTube channel.

Tito Vince at Tatay Elon, nagkaprangkahan tungkol sa mag-inang Toni at Tyronia
Toni, Tyronia and Tatay Elon (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lai Austria, sinabing talagang mabait si Toni Fowler at nasaktan lamang daw ito

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ni Tito Vince ay ang dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Toni. Aniya dahil bata pa lang sila noon, ang kanilang pagiging immature ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.

Naitanong din sa kanya ni Vince kung ayos lang ba sa kanya sakaling manligaw siya kay Toni.

Para kay Aaron, basta okay na sa anak niya, kay Toni at sa ate ni Toni na si Mama Marie, ayos na rin umano sa kanya. Pinasalamatan niya rin si Vince dahil sa pag-aalaga nito sa mag-ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, nakatakdang magtambal sa isang sitcom

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Nabanggit din kamakailan ni Toni ang tungkol sa pagkakapatawaran nila ng tunay na ama ni Tyronia na tinatawag nilang Tatay Elon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel