Lai Austria, sinabing talagang mabait si Toni Fowler at nasaktan lamang daw ito

Lai Austria, sinabing talagang mabait si Toni Fowler at nasaktan lamang daw ito

- Sa kabila ng pagsasabong sa kanila ng mga fans, walang masamang nasabi si Lai Austria tungkol kay Toni Fowler

- Hindi na nito binanggit ang pangalan ni Toni ngunit aniya matagal na niyang kilala ito at mabait daw talaga ito

- Bilang babae ay nasaktan lamang daw ito sa mga nangyari sa kanila ng dating karelasyon na si Rob Moya

- Sinabi niya ring hiwalay na sina Rob at Toni nang ligawan siya ng aktor kaya wala raw siyang inaagaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mainit na usapin ngayon ang kumakalat na mga screenshot ng sinasabing pag-uusap nina Rob Moya at Lai Austria. Bago pa man kumalat ang mga screenshots na ito, may isang panayam kay Lai kung saan inilarawan niya ang ex ni Rob bilang mabait.

Lai Austria, sinabing talagang mabait umano si Toni Fowler at nasaktan lamang ito
Lai Austria (@laiaustria)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad

Aniya, matagal niya nang kilala ito at mabait daw talaga ang vlogger. Nasaktan lamang umano ito sa mga nangyari.

Ayaw niya na ring magbigay ng mensahe para kay Toni dahil wala naman na umano siyang kinalaman sa isyu nila ni Rob. Sinabi niya ring hindi naman siya binabanggit ng kampo nina Toni at mga bashers lang umano ang nagpapaaway sa kanila.

Sa nasabing panayam, sinabi din ni Lai na hindi pa niya boyfriend si Rob ay nanliligaw pa lang ito sa kanya kaya umano sila lumalabas. Nilinaw niyang hindi niya inagaw si Rob dahil wala na umano sina Toni at Rob nang manligaw ang aktor sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lai Austria ang babaeng kasalukuyang iniuugnay kay Rob Moya matapos maghiwalay nina Rob at Toni Fowler. Nakakasama din sa vlog ni Rob si Lai kaya lalong naging maugong ang balitang magkarelasyon ang dalawa.

Read also

Caffey Namindang, emosyonal na nagkwento tungkol sa kanyang sakit

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isang vlog ni Rob, pinasalamatan niya si Lai dahil sa pagdamay umano nito sa kanya sa mahirap na punto ng kanyang buhay.

Si Lai din ang tinuturong kausap umano ni Rob sa kumakalat na screenshot sa social media ngayon na inalmahan ni Toni Fowler.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel