Caffey Namindang, emosyonal na nagkwento tungkol sa kanyang sakit

Caffey Namindang, emosyonal na nagkwento tungkol sa kanyang sakit

- Ibinahagi ng vlogger na si Caffey Namindang o mas kilala bilang si Makaganda na isinugod siya sa ospital

- Ito ay dahil sa sobrang pananakit umano ng kanyang puson na inakala niyang simpleng UTI lang

- Napag-alamang mayroon umano siyang bato sa kanyang apdo at kailangan niya na agad maoperahan

- Humiling siya ng panalangan sa mga netizens lalo at mahina umano ang loob niya pagdating sa pagpapaopera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maiyak ng vlogger na si Caffey Namindang na mas kilala sa kanyang screen name na Makaganda habang ibinabahagi niya ang tungkol sa pagkakatuklas niya ng kanyang sakit.

Caffey Namindang, emosyonal na nagkwento tungkol sa kanyang sakit
Caffey Namindang (@heavenffey)
Source: Instagram

Inakala umano niyang dahil sa simpleng UTI lang ang kanyang naranasang sakit ng kanyang puson kaya hindi niya ito pinansin. Gayunpaman, lumala umano ang sintomas kaya isinugod na siya sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sunshine Dizon, nagpapasalamat sa ex niya dahil sa pagiging maayos na co-parent

Dito napag-alamang nagkaroon siya ng bato sa apdo at sinabi umano sa kanya ng doktor na kinailangan na siyang maoperahan kaagad. Humiling siya ng panalangin mula sa mga netizens dahil natatakot umano siya.

Bumuhos naman ang mensahe ng pagsuporta sa kanya:

Ate maraming nagmamahal sayo ang iba tahimik lng hindi nagcocoment pero deep inside naiiyak kami nalulungkot ahhhh!! Pagaling ka po atee we will pray for you basta kayanin mo ate marami kaming supporters mo iloveyou idang!
Kaya mo iyan ordinaryong operasyon lang dito iyan dito s Italy. Simpling opera lang iyan.matutulog ka na naman hindi mo mararamdaman ang sakit na iyan.walang mangyayari sa iyo gagaling ka rin agad.
Praying for your successful operation and fast healing ateee,There is nothing impossible in God.Prayer will always be the Greatest armour

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Caffey Namindang ay unang sumikat sa social media sa bansag na Makaganda, ang girlfriend ng vlogger na si Makagwapo o si Christian Merck Grey. Naging kontrobersiyal ang tambalang Makaganda at Makagwapo matapos humingi ng tulong si Makaganda kay Raffy Tulfo hinggil sa umano'y hindi ,magandang pakikitungo sa kanya ng kanyag boyfriend.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naging isyu ang tungkol sa kita ng kanilang YouTube channel at ang umano'y panggagamit ni Merck sa kanya para sa content nila.

Matapos ang kanilang masalimuot na paghihiwalay nakahanap naman ng bagong pag-ibig si Merck sa katauhan ni Pam Esguerra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel