Tunay na ama ni Tyronia Fowler, unti-unti nang bumabawi sa pagkukulang niya sa anak

Tunay na ama ni Tyronia Fowler, unti-unti nang bumabawi sa pagkukulang niya sa anak

- Nauna nang naibahagi ni Toni Fowler na napagpasyahan niyang bigyan ng pagkakataon ang tunay na ama ng kanyang anak na makabawi kay Tyronia

- Naitanong sa kanya ni Tyronia kung bakit ito nakipagbati sa kanyang amang matagal ding hindi nakasama

- Naikwento din ni Toni na unti-unting bumabawi ang dati niyang karelasyon na kamakailan ay nagpadala umano ng pagkain para sa anak

- Napagpasyahan niya umanong makipagbati na sa ama ni Tyronia dahil naisip niyang karapatan din nilang mag-ama na makapag-usap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinanong ni Tyronia Fowler ang kanyang ina na si Toni Fowler kung bakit umano ito nakipagbati sa kanyang Tatay Elon. Ang kanyang tinutukoy ay ang kanyang tunay na ama.

Sagot ni Toni, na-isip niyang konting panahon na lang din silang makakasama dahil mangingibang bansa na ang ama ni Tyronia kasama ang bago nitong pamilya.

Read also

Gloc-9 sa kurso niyang Nursing: "Hindi ako habang buhay mag ra-rap"

Biological father ni Tyronia Fowler, unti-unti nang bumabawi sa pagkukulang niya sa anak
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Toni matapos humingi ng dispensa ang dating karelasyon, napag-isip-isip niyang karapatan din ng mag-ama na mabigyan ng panahon na magkasama.

Unti-unti na rin umanong bumabawi ito sa kanyang anak at kamakailan nga ay pinadalhan niya ng pagkain.

Lagi na rin umanong nagkakausap ang mag-ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Dumami ang sumuporta sa kanila at maging sa ibang kasamahan nila sa Toro family.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Mister na may stage 4 cancer, hands-on pa sa kanilang 'dream house' bago pumanaw

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel