John Lloyd Cruz at Andrea Torres, nakatakdang magtambal sa isang sitcom

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, nakatakdang magtambal sa isang sitcom

- Matapos ang kanyang tatlong taong pagpapahinga mula sa showbiz, tuloy na tuloy na ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz

- Nakatakda siyang gumawa ng isang sitcom sa GMA-7 ayon sa TV host na si Willie Revillame

- Makakasama niya sa proyektong ito si Andrea Torres na nasangkot sa intriga kamakailan dahil sa paghihiwalay nila ni Derek Ramsay

- Kasalukuyang karelasyon ni Derek ang dating karelasyon ni John Lloyd na si Ellen Adarna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatakdang gumawa ng isang sitcom si John Lloyd Cruz sa GMA-7. Ito ay ayon sa isang balita mula sa Philippine Star sa panulat ni Salve Asis. Makakasama umano ni John Lloyd si Andrea Torres sa sitcom na pinaplano ni Willie.

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, nakatakdang magtambal sa isang sitcom
John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

CAMback is real: John Lloyd Cruz, kumpirmadong mapapanood sa GMA Network

Inanunsiyo din ni Willie na magiging guest niya si John Lloyd sa kanyang 6-6 Shopee Super Mega Fiesta Special na magaganap sa 6 June at ipapalabas sa GMA-7.

Naipagpaalam din umano ni Willie si John Lloyd kay ABS-CBN president Carlo Katigbak at pumayag umano ito. Ito ang unang proyekto ni John Lloyd simula nang isapubliko kamakailan ang tungkol sa pagbabalik-showbiz niya sa pangangalaga ng talent agency ni Maja Salvador.

Matatandaang naging palaisipan sa publiko ang mga litratong lumabas noong Mayo kung saan nakitang magkasama sina John Lloyd, Bobot Mortiz at Willie sa resort ng TV host sa Puerto Galera.

Tila marami naman ang naintriga sa nakatakdang pagtatambal nina John Lloyd at Andrea dahil sa kanilang mga naging karelasyon.

Si Andrea ang karelasyon ni Derek Ramsay bago pa ito naging fiance ni Ellen Adarna. Si Ellen naman ang dating karelasyon ni John Lloyd at ina ng anak nilang si Elias.

Read also

Toni Fowler kina Rob Moya at Tim Sawyer: "Ganun po talaga, same feather flock together"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Sya ay ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa."

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.

Kasabay ng pagsasapubliko ng tungkol sa kanyang pagbabalik-showbiz, ibinahagi din ni John Lloyd ang kanyang official na social media pages.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel