Community pantry ni Raffy Tulfo, nakaikot sa nasa pitong barangay sa Kamaynilaan

Community pantry ni Raffy Tulfo, nakaikot sa nasa pitong barangay sa Kamaynilaan

- Ibinahagi ng Raffy Tulfo in Action ang isinagawa nilang community pantry sa ilang mga barangay sa Metro Manila

- Nasa pitong barangay ang kanilang naikot at ilang batch ng mga dumagsang tao ang kanilang nabigyan

- Masayang-masaya ang mga nabigyan ng bayong na punong-puno ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ngayon tulad ng alcohol at face mask

- Emosyonal naman ang ibang nakakuha ng biyaya kaya naman labis silang nagpapasalamat sa kanilang Idol Raffy na nagpaabot sa kanila ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ng Raffy Tulfo in Action ang kanilang isinasagawang community pantry sa ilang barangay sa Metro Manila.

Nalaman ng KAMI na talagang nagbuhos ng biyaya si Tulfo sa mga kababayan nating lalong naghikahos dahil sa pandemya.

Nasa pitong mga barangay ang kanilang nabisita at nabigyan ng bayong na puno ng pagkain at iba pang pangangailangan sa panahon ngayon tulad ng face mask at alcohol.

Read also

OFW na janitor sa France, ipinakita ang mansion na kanyang naipatayo sa Pampanga

Community pantry ni Raffy Tulfo, nakaikot sa nasa pitong barangay sa Kamaynilaan
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Lulan ng kanilang naglalakihang mga trak na puno ng mga ipamamahaging biyaya, pinuntahan nila ang Brgy. Commonwealth sa Quezon City, Brgy. North Bay Boulevard South Kaunlaran sa Navotas, Brgy. Payatas sa Quezon City, Brgy. Malanday sa Marikina, Brgy. Bagbag sa Novaliches, at Brgy. Addition Hills sa Quezon City.

Sa pagbisita nila sa Brgy. Batasan Hills sa Quezon City, kasamang namahagi ang anak ni Tulfo na si Ralph gayundin ang co-host niya sa Wanted sa Radyo na si Sharee Roman pati na rin si Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ilang batch ng mga dumagsang tao ang kanilang nabigyan sa bawat barangay.

Emosyonal na nagpasalamat ang ilan sa mga nakakuha ng biyaya. Malaking tulong daw ito sa kanila lalo na at karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho.

Biro naman ng ilan, hindi raw nila mabuhat ang bayong na siksik-liglig at talagang puno ng pagkaing aabot daw sa kanila sa loob ng isang linggo kaya labis nila itong ipinagpapasalamat.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica