Customer na nag-post tungkol sa "fried towel," dumulog kay Raffy Tulfo
- Matapos mag-viral ng kanyang post kaugnay sa natanggap na "fried bimpo," kumunsulta na umano sa abogado si Angelique Perez
- Nais niya umanong masiguradong hindi siya makakasuhan ng fast food kung saan siya nag-order ng fried chicken
- Idinulog niya rin sa programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ang kanyang agam-agam at itinanong niya rin kung may pananagutan ang nasabing establisyemento sa kanila
- Nilinaw naman ni Tulfo na walang kasong maisasampa kay Perez dahil ang post niya ay hindi para manira kundi para sa awareness
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi na nakausap ng programang Raffy Tulfo in Action ang staff ng isang fast food chain na kasangkot sa isang viral na post kung saan imbes na fried chicken ay fried bimpo ang natanggap ng customer na si Angelique Perez.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Upang hindi siya mahusgahan at mapaghinalaang gawa-gawa lamang niya ang isyu, minabuti niyang i-post maging ang oras ng kanyang pag-order.
Dahil wala siyang contact number ng branch ng establisyemento, idinaan niya sa Grab delivery rider ang kanyang reklamo.
Nakausap umano niya ang isang staff doon at nangako umano silang iimbestigahan nila ang nangyari.
Matapos umanong mag-viral ang kanyang post, isang netizen ang nakipag-ugnayan sa kanya at nagbahagi ng kanyang karanasan kung saan wipes naman daw ang kanyang natanggap imbes na fried chicken.
Panuorin ang kabuuan ng video dito:
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.
Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh