Joey Marquez, masaya sa pagiging malapit sa isa't-isa ng kanyang 16 na mga anak

Joey Marquez, masaya sa pagiging malapit sa isa't-isa ng kanyang 16 na mga anak

- Hindi maitago ni Joey Marquez ang kanyang pagiging proud na tatay sa kanyang 16 na anak

- Marami na rin sa mga ito ang nakapagtapos na at may sari-sarili nang propesyon

- Ani Joey, kagaya ng kanyang kinagisnan, itinuro niya sa mga anak niya na maging malapit sa lahat ng kanilang mga kapatid

- Naibahagi din nito na protective umano sa isa't-isa ang kanyang mga anak sa mga babaeng kanyang nakarelasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maitago ni Joey Marquez ang kanyang kasiyahan sa pagiging malapit ng kanyang 16 na anak. Sa panayam sa kanya ni Pia Arcangel sa programang Tunay na Buhay, sinabi ni Joey na kagaya sa kanyang kinagisnang prinsipyo, malapit ang kanyang mga anak sa isa't-isa.

Joey Marquez, masaya sa pagiging malapit sa isa't-isa ng kanyang 16 na mga anak
Joey Marquez kasama ang kanyang mga anak (@tsong_marquez)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Long Mejia, inalala ang kanyang naging buhay bago makapasok sa showbiz

Iba-iba man ang kanilang ina, hindi naging hadlang iyon para magmalasakit sila sa kanilang mga kapatid.

Ayon pa kay Joey, protective umano ang mga anak niya sa kanilang mga kapatid.

Sa isang bahagi ng panayam ay sinubok ni Ms. Pia kung gaano niya kakilala ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagsabi kung sino sa mga anak niya ang tinutukoy sa mga description na binanggit sa kanya.

Isa-isa din niyang ibinigay ang pangalan ng kanyang mga anak ayon sa tamang pagkakasunod-sunod base sa kanilang edad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Joey Marquez ay nakilala bilang isa sa cast ng sitcom na Palibhasa Lalake na tumagal ng 12 taon sa ere mula 1987. Kabilang sa mga kasamahan niya sa nasabing sitcom ay sina Richard Gomez, Gloria Romero, Cynthia Patag, Amy Perez, Carmina Villaroel, at Apa Ongpin.

Read also

Tim Sawyer, nasaktan matapos daw tanggalan ng karapatang makita ang anak

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ikinasal siya kay Alma Moreno at nagkaroon sila ng tatlong anak. Gayunpaman, taong 2004 nang mapawalang bisa ang kanilang kasal matapos nilang maghiwalay.

Kamakailan ay inamin ni Alma na masaya siya para sa dating asawa sa lagay ng love life nito sa kasalukuyan.

Samantala, naging usap-usapan din kamakailan ang reklamo laban kay Alma kaugnay sa umano'y utang nito sa kanyang upa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel