Alma Moreno, ipina-Tulfo; hindi umano nakabayad ng renta sa condo

Alma Moreno, ipina-Tulfo; hindi umano nakabayad ng renta sa condo

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang may-ari ng condominium unit ni Alma Moreno

- Sinabi nitong lumampas na ito sa buwan ng kanila lamang na napag-usapan at hindi na ito nakapagbayad ng kaukulang renta

- Ang masaklap pa rito, naputulan na rin ng kuryente ang unit na inalisan ng aktres na siya ring inirereklamo ng mag-ari

- Makailang beses na sinubukan ng may-ari ng unit na makipag-ugnayan kay Moreno subalit hindi na niya ito nakausap muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inireklamo sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo ang aktres na si Alma Moreno na hindi raw umano nakabayad ng renta sa inupahan nitong condominium unit sa Parañaque.

Humingi na ng tulong ang may-ari ng condo unit na si Theresa Grenard kay Tulfo gayung hindi na umano nakikipag-usap sa kanya ang aktres.

Read also

Customer na nag-post tungkol sa "fried towel," dumulog kay Raffy Tulfo

Kwento ni Theresa, hindi niya talaga pinauupahan ang kanyang unit. Subalit bilang nagtatrabaho ang kanyang kapatid kay Moreno, pinagbigyan niya ito lalo na at isang buwan lamang ang naging usapan nila.

Alma Moreno, Ipina-Tulfo; hindi umano nakabayad ng renta sa condo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nagbigay din umano ng paunang bayad si Moreno kaya naman walang naging problema sa umpisa.

Hanggang sa napag-alaman ni Theresa na umabot pa ng limang buwan sina Moreno sa kanyang unit.

Ang masaklap, hindi rin nito nabayaran ang bill sa kuryente na pumalo na sa mahigit Php40,000. Putol na rin maging ang koneksyon sa tubig ng unit.

Makailang beses na rin daw sinubukan ni Theresa na makipag-usap at makipag-intindihan kay Moreno subalit hindi raw ito nakikipag-usap sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, sinubukan din ng programa ni Tulfo na makapanayam si Moreno ngunit ayaw nitong makipag-usap on-air.

Nais na lamang niya sanang kausapin si Tulfo off-air na hindi naman pumayag ang host para maging patas kay Theresa.

Read also

KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano

Hindi naman daw nais na kasuhan ng may-ari ng unit si Moreno at ang nais lamang niyang mangyari ay mabayaran ang electric bill na ang aktres naman ang nagkonsumo kahit hindi na raw ang renta na dapat sana'y babayaran nila at nagtagal pa sila ng nasa limang buwan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bukod sa pag-aksyon sa mga sumbong sa kanya ng mga naaaping mamamayan, natutulungan din ni Tulfo ang mga celebrity na dumudulog sa kanyang programa.

Read also

Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo

Kamakailan nga ay nagbigay ng update ang vlogger na si China Roces sa programa ni Tulfo kaugnay sa kasong isinampa niya laban sa dating kasintahan na si Tim Sawyer.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel