Tim Sawyer, nasaktan matapos daw tanggalan ng karapatang makita ang anak

Tim Sawyer, nasaktan matapos daw tanggalan ng karapatang makita ang anak

- Sa gitna ng kontrobersiya sa pagitan nila ng ina ng kanyang anak na si China Roces, naghayag ng kanyang saloobin si Tim Sawyer

- Aniya ay nasasaktan siya na hindi siya binigyan ng karapatang makita ang anak nilang si Timothy

- Kalakip ng mensaheng ito ay ibinahagi ni Tim ang pinagsama-samang video kung saan makikita silang mag-ama na makasama noon

- Matatandaang muling lumikha ng ingay ang paghain ng warrant of arrest kay Tim matapos itong maisapubliko kamakailan kaugnay sa reklamong isinampa ni China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng vlogger na si Tim Sawyer ang kanyang saloobin hinggil sa umano'y hindi pagbigay sa kanya ng karapatang makita ang kanyang anak.

Ibinahagi niya rin ang ilang mga video nilang mag-ama na kuha noong mas maliit pa ang anak nila ni China Roces na si Timothy.

Read also

Toni Fowler, masayang nabili ang pangarap niyang van para sa kanyang pamilya

Tim Sawyer, nasaktan matapos daw tanggalan ng karapatang makita ang anak
Tim Sawyer
Source: Facebook

Ito ay sa kabila ng isyu sa pagitan nila ng dsting karelasyon kaugnay sa reklamong isinampa ni China laban sa kanya.

“Di nyo lang alam gano ka sakit sa pakiramdam na di ka bigyan ng karapatan na makita anak mo.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang isang netizen na tinawag siyang 'pangit'

Matatandaang inihingi ng paumanhin na vlogger ang kanyang naging asal matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak. Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

Matatandaang muling umingay ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni China matapos isapubliko kamakailan ang paghain ng warrant of arrest sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel