Kris Aquino, sinupalpal ang isang netizen na tinawag siyang 'pangit'

Kris Aquino, sinupalpal ang isang netizen na tinawag siyang 'pangit'

- Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isang netizen na pumuna sa kanyang itsura

- Ito ay matapos niyang ibahagi ang isang video sa social media kung saan gumagawa siya ng flower arrangements

- Sa kabila ng positibong mensahe ng video ni Kris, mayroon pa ring piniling magpakanegatibo

- Kaya naman, sinagot ni Kris ang komento nito kung saan sinabi niyang pangit daw pala si Kris kapag walang makeup

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinupalpal ni Kris Aquino ang isang netizen na pumuna sa kanyang itsura sa kanyang ibinahaging video sa kanyang social media accounts kamakailan kung saan gumagawa siya ng mga flower arrangements.

Kris Aquino, sinupalpal ang isang netizen na tinawag siyang 'pangit'
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang netizen ang nagsabing pangit daw pala si Kris kapag walang makeup.

Read also

Sarah Lahbati, may pasilip sa sosyaling bahay nila ni Richard Gutierrez

Hindi ito nakaligtas at napansin ng TV host na kanyang sinagot.

“Beauty is in the eye of the beholder, I could easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? Hindi naman ikakaganda ng buhay ko and hindi makakatulong sa lipunan… siguro you need to find happiness? And thank God diba, ako gumaganda pag may make up.”
Kris Aquino, sinupalpal ang isang netizen na tinawag siyang 'pangit'
Screenshot from Kris Aquino/Facebook
Source: Facebook

Sa pagkakauso ng paggamit ng social media, karamihan sa nagiging biktima ng mga hate messages ay ang mga artista. Gayunpaman, marami na rin sa kanila ang sumasagot sa mga bashers lalo kapag masyado nang mapanakit ang mga komento ng mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Video ng interview ni Julia Barretto kay Dennis Padilla, naka-private na

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.

Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel