Sarah Lahbati, may pasilip sa sosyaling bahay nila ni Richard Gutierrez

Sarah Lahbati, may pasilip sa sosyaling bahay nila ni Richard Gutierrez

- Ibinahagi ni Sarah Lahbati ang isang mini-house tour sa kanyang Instagram account kung saan pinakita niya ang kanilang living room

- Ito umano ang isa sa pinakapaborito nilang bahagi ng kanilang bahay dahil marami silang ginagawang magkasama sa kanilang living room

- Makikita dito ang husay sa photography ng kanyang mister na si Richard Gutierrez dahil naka-display at naka-frame ang ilan sa kanyang mga kuha

- Marami naman ang humanga sa husay ng aktres na magsalita at may potensiyal umano itong maging magaling na host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip ni Sarah Lahbati ang loob ng bahay nila ni Richard Gutierrez. Sa kanyang ibinahaging mini house tour, ipinakita nito ang kanilang living area na aniya ay isa sa pinakapaborito nilang bahagi ng kanilang bahay.

Sarah Lahbati, may pasilip sa sosyaling bahay nila ng asawang si Richard Gutierrez
Sarah Lahbati (@sarahlahbati)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Video ng interview ni Julia Barretto kay Dennis Padilla, naka-private na

Nakasabit sa isang bahagi ng kanilang pader ang mga naka-frame na pictures na kuha ng kanyang mister. Bukod dito naka-display din ang kanilang mga painting at binida niya ang isa sa gawa ng panganay niyang si Zion.

Marami naman ang humanga sa husay ni Sarah sa pagsasalita at pagnarrate sa nasabing maiksing video:

Lifestyle show host potential right here. This has got to be the best mini house tour
Proper house tour next & youtube channel please! Love your speaking voice, so calming while the boys are so cuuute! Kai was so kigil!
Your voice grabe pwede tlaga maging tv host eh. Please mag vlog kana din Sarah.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sarah Lahbati ay isang Filipino-Moroccan actress na sumikat matapos tanghaling StarStruck V's Ultimate Female Survivor ng 5th season ng "StarStruck", isang talent show sa GMA-7.

Read also

Ivana Alawi, excited na ipinasilip ang ipinagagawang bahay

Ikinasal siya kay Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez na isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inanunsiyo ng mag-asawa na napagpasyahan nilang i-postpone muna ang engrandeng kasalan bunsod ng pandemic. Gayunpaman, itinuloy nila ang pagpapakasal noong Marso 14.

Hindi na muna nila itinuloy ang kanilang nakaplanong magarbong kasalan kundi isang simple at intimate wedding na lamang ang nangyari kung saan tanging piling tao lamang ang nakadalo kabilang na ang kani-kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel