Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet

Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet

- Umabot na sa mahigit isang milyon ang YouTube subscribers ng kapatid ni Ivana alawi na si Hash Alawi

- Bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanya, mamimigay ito ng mga cellphone at tablet

- Naisip daw niya ito bilang maituturing na pangunahin na ring pangangailangan ngayon ang mga ito

- Kahit saang bahagi pa raw umano ng mundo ang mananalo, ipadadala niya ang cellphone o tablet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayroon nang mahigit isang milyong YouTube subscribers ang kapatid ni Ivana Alawi na si Hash Alawi.

Nalaman ng KAMI na todo suporta ang buong Alawi family sa pagbati nila kay Hash. Nagpa-cake pa si Mama alawi sa kanya.

Ayon kay Hash, gusto lamang niyang maglagay ng ngiti sa labi ng mga ito gaya ng ginagawa ng kanyang kapatid na si Ivana.

Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet
Sina Hash at kapatid na si Ivana Alawi (Hash Alawi)
Source: Facebook

Hiling namang ng kanyang pamilya na mas lalo pa umanong yumabong ang pagkatao ni Hash hanggang sa makamit nito ang best version ng kanyang sarili.

Read also

Marjorie Barretto, binahagi ang video ng graduation ng anak na si Leon

Dagdag pa ng isa pa nilang kapatid na si Mona, hiling nito na sana'y marami pang matulungan ang kanyang kuya.

Hiling naman ni Ivana na magkaroon na ng "jowa" ang kanyang kapatid na sinegundahan naman ni Mama Alawi at sinabing siya na raw ang manliligaw para kay Hash.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At bilang pasasalamat naman sa mga sumuporta sa kanya, mamamahagi si Hash ng mga cellphone at tablet sa mga mapipili niyang mananalo.

Sa panahon kasi ngayon, masasabing isa na sa mga pangangailangan ng tao ang gadgets kaya naman naisipan niya itong ipamahagi.

At kahit saang bahagi man ng mundo naroon ang mananalo ay ipadadala pa rin niya ito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Hash Alawi:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Cassy Legaspi, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa post ng ka-kambal na si Mavy

Si Hash Alawi ay isa sa mga kapatid ng actress at YouTube star na si Ivana Alawi. Matapos na makita sa ilang mga vlogs ni Ivana, nagkaroon na rin ng sariling YouTube channel si Hash kung saan mahigit na sa isang milyon ang kanyang mga subscribers.

Sa pinakahuling vlog ni Ivana, naisahan na naman siya ni Hash kung saan nauwi sa prank ang dapat sana'y 'who's gonna pay challenge' nilang magkapatid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel