Nag-viral na ama sa jeep, hiling ang kalakasan para maalagaan pa rin ang anak na PWD
- Muling nakumusta ang ama sa viral post na karga ang 18-anyos na anak na may cerebral palsy
- Noong Abril ng kasalukuuyang taon, isang kapwa nila pasahero ang kumuha ng kanilang larawan na may permiso para maihingi ng tulong
- Dinadala kasi ng ama ang anak sa ospital para sa therapy nito ngunit lalong nagpahirap sa kanila ang sitwasyon dahil sa pandemya
- May mga patuloy pa rin na nagpapaabot ng tulong sa kanila kaya naman hiling ng ama ay ang kalakasan ng kanyang pangangatawan para maalagaan pa ang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling naitampok ang mag-amang sina Jewelyn at Rolando Niangar kung saan ipinakita ng ama ang kalagayan nila sa loob ng kanilang tahanan.
Matatandaang minsan na silang nag-viral matapos na may magmalasakit sa kanila na isang kapwa nila pasahero sa jeep at binigyan niya ng pahintulot na kunan sila ng larawan upang mai-post at maipanawagan ng tulong.
Ngayon, patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran nina Tatay Rolando at 18-anyos niyang anak na mayroong cerebral palsy.
Kwento ng ama, bata pa lamang si Jewelyn nang dapuan na ito ng meningitis na hindi na nila naagapan hanggang sa nagkaroon na ito ng ilang komplikasyon.
Sa loob ng halos dalawang dekada, matiyaga nilang dinadala sa pagamutan ang anak para sa therapy at check-up nito.
Dala ng pandemya, nawalan ng hanapbuhay si Tatay Rolando na dating balut vendor at construction worker.
Ang kanyang misis na ngayon ang naghahanapbuhay bilang kasambahay kaya naman si Tatay Rolando ang nag-aasikaso sa kay Jewelyn at sa iba pa nilang mga anak.
Ipinakita rin sa programang 'Stand Fot Truth' ng GMA Public Affairs ang hirap ng mag-ama tuwing may therapy o check up si Jewelyn.
Mula sa pagsakay nila ng jeep hanggang sa paglipat nila sa bus, makikita ang sakripisyo ni Tatay Rolando para sa anak.
Dahil dito, ilang mga tao na may mabubuting puso ang nagpapaabot pa rin sa kanila ng tulong.
Tulad na lamang ng Malate community pantry na nagbigay ng mga bigas, pagkain at ilang pangangailangan ng pamilya ni Tatay Rolando kasabay ng kanilang pagbati rito noong Father's Day.
Kaya naman, hiling ng ama na sana'y mabigyan pa siya ng kalakasan ng katawan upang maipagpatuloy pa rin niya ang pag-aalaga sa mga anak lalong-lalo na kay Jewelyn.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng mga ama na tulad ni Tatay Rolando na ibinuhos ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga sa pamilya lalo na sa kanyang anak na si Jewelyn.
Matatandaang nag-viral din ang isang ama na nagsumikap na makapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng pagkakaroon ng kabi-kabilang trabaho tulad ng pagiging karpintero at laborer.
Isa rin ang balut vendor na labis na pinasasalamatan ng anak niyang napagtapos niya sa kolehiyo. Buong pagmamalaki ng anak na matapos na makapagsuot siya ng toga para sa kanyang graduation day, inialay niya ang tagumpay sa pinakamamahal niyang ama.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh