Motorista, humanga sa traffic enforcer na nanita sa kanila ngunit binigyan pa sila ng pera
- Bumilib at nagpasalamat ang isang motorista sa traffic enforcer na nanita sa kanila
- Imbis na tiketan agad, binigyan pa sila nito ng tulong pinansyal at sinabihan lamang
- Humanga rin ang enforcer sa motorista dahil sinabi nitong matapos ang day job niya ay rumaraket pa sila ng delivery
- Pinayuhan din sila ng enforcer na magpahinga minsan gayung masyado na silang nagsisipag
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kakaiba ang pangyayaring naibahagi ng netizen na si Kay Oleta Inofre kung saan nabigyan pa sila ng tulong ng nanitang traffic enforcer.
Nalaman ng KAMI na matapos ang day job ni Kay ay nakuha pa nilang rumaket ng delivery.
Hindi raw nila namalayan ng kanyang kasama na nasa bicycle lane na sila na siyang dahilan ng paninita sa kanila ng enforcer.
Ngunit imbis na mabigyan ng ticket sa umano'y violation, nagulat sila nang bigyan pa sila ng pera ng enforcer.
"Hindi lahat ng Enforcer paparahin ka para ticketan ka, meron din 'yung ikaw pa yung bibigyan ng pera. Salamat chief Cruz sa pang-unawa at sa tulong na napakalaking bagay na po sa amin"
Nang malaman kasi ni Cruz ang kalagayan ng rider na rumaraket pa matapos ang isang natapos na trabaho, humanga rin umano ito sa kanila.
"Nag-abot lang po siya ng tulong kasi naawa po siguro sa amin, kasi nga po pagka-out namin, Lalamove naman kami"
Matapos na sila'y pagsabihan, pinayuhan din sila ng enforcer na magpahinga naman minsan at kinakitaan sila ng sobrang kasipagan.
"Nakakataba ng puso na may mga Enforcer na ganito kabait at matulungin, SALUDO po ako sa inyo Chief Cruz"
Narito ang kabuuan ng post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang noong Mayo, hinangaan din ang isang traffic enforcer na hindi lumaban sa sinita niyang motorista dahil 'beating the red light' ito. Pumalag ang babae na nagawang saktan ang enforcer.
Nag-viral pa ang video ng komprontasyong ito na nauwi sa pagkabisto ng umano'y iba pang 'di magandang gawain ng babae na may kaugnayan sa droga.
Samantala, nagbigay saya rin sa mga netizens ang video ng isa ring enforcer na nagawang humataw sa mga 'TikTok Dance' habang isinasaayaos ang trapiko sa gitna ng kalsada.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh