Amang may iba't ibang trabaho at nakatapos na ng kolehiyo, ibinida ng kaklase
- Viral ngayon ang post ng nagpakilalang kaklase ng isang masipag na ama na nagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral
- Sa kabila ng pagtatrabaho nito sa umaga, sinisikap nitong makapasok sa klase tuwing gabi
- Ngayong pandemya, muntik nang hindi makapag-enrol ang masipag na ama dahil sa kawalan ng kagamitan
- Sa tulong ng uploader at iba pa nilang mga kaklase, nakakapagpasa ng mga modules ang masipag na ama at nakatapos na rin siya ng kolehiyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng netizen na si Ading Salvane tungkol sa naging kaklase niya na si Jerome Velez.
Nalaman ng KAMI na kakatapos lamang ng graduation ni Jerome at talaga namang proud sa kanya ang kaklase niyang si Ading.
Ayon kasi sa uploader, nakilala niya si Jerome noong third year college sila nang magtanong ito sa kanya ng gagawin sa kanilang activity.
Nilarawan niya itong mahiyain at nanginginig pa na tila pagod at gutom na gutom.
Napag-alaman ni Ading na working student si Jerome na mayroon nang apat na anak.
Bukod sa kanya, lahat ng mga anak niya ay nakakapag-aral din.
Noon pa man ay hanga na si Ading sa kaklase dahil sa iba't ibang mga trabaho na pinasok nito masuportahan lamang ang pag-aaral at maitaguyod ang kanyang pamilya.
"He once worked as a maintenance in the pineapple fields of del monte. Imagine the scorching heat of the sun or the cold pour of the rain yet he still managed to go to school at night. He also work as a carpenter, a farmer, a laborer - he can be anything as long as it allows him to earn money and provide for his family."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ang nakamamangha pa rito, nag-renta pa talaga ng lupa si Jerome na siya niyang nililinang para may karagdagan pangtustos sa mag-iina.
Sa kabila ng mga gawaing ito ng masipag na ama sa umaga, matiyaga pa rin siyang pumapasok sa paaralan 'pag gabi.
Sinubok ng pandemya maging ang pag-aaral ni Jerome. Muntik na siyang hindi makapag-enrol dahil sa kasalatan nito sa gadget, mahinang internet at wala umano itong social media account.
Subalit sa tulong nina Ading at ng iba pa nilang mga kaklase, nakapagpasa ng mga modules at iba pang mga requirements si Jerome na naging daan para matuloy ang kanyang graduation.
"Why am I sharing Kuya Jerome's story? Simply because it is worth celebrating. He never gave up of his dream and worked hard to make it real. I am proud of him and I hope you are too."
Kaya naamng ganoon na lamang ang pagmamalaki ni Ading kay Jerome dahil sa napakaganda nitong ehemplo sa mga mag-aaral na huwag bastang bitawan ang edukasyon na siyang magiging susi nila sa mas magandang kinabukasan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, hinangaan din ang isang jeepney driver na naigapang ang pag-aaral sa pamamagitan ng pamamasada.
Hindi niya ikinahihiya ang kanyang hanapbuhay sa kagustuhan lamang niyang makatulong sa mga magulang at dahil na rin sa determinasyon niyang makapagtapos.
Gayundin ang isang lalaking may stage 5 chronic kidney disease na sa kabila ng kanyang karamdaman ay nakapagtapos siya ng kolehiyo. Mula sa kanyang dialysis sa umaga, diretso na siya sa kanyang klase. Ito na ang kanyang gawi hanggang sa matanggap na niya ang diploma at nakatapos na siya ng pag-aaral.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh