Buboy Villar, proud sa narating ng ina ng kanyang dalawang anak

Buboy Villar, proud sa narating ng ina ng kanyang dalawang anak

- Hindi kinaligtaang batiin ni Buboy Villar ang dating karelasyong si Angillyn Gorens para sa Mother's Day

- Aniya, proud siya sa kung anuman ang narating ng ina ng kanyang dalawang anak

- Sinabi din ni Buboy na palagi siyang naroroon para kay Angillyn bilang kaibigan at partner sa pagpapalaki ng mga anak nila

- Matatandaang taong 2020 nang aminin nilang tuluyan na silang nagkahiwalay matapos ang kanilang engagement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi kinaligtaang batiin ni Buboy Villar ang ina ng kanyang dalawang anak para sa Mother's Day. Aniya, proud siya sa kung anong narating ni Angillyn sa kanyang buhay.

Sinabi din ni Buboy na lagi lang siyang naroroon bilang kaibigan at katuwang ni Angillyn sa kanilang mga anak.

Buboy Villar, proud sa narating ng ina ng kanyang dalawang anak
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista, masayang binahagi ang litrato ng kanyang mommy at asawa

Syempre makakalimutan ba kita! Happy Mother’s Day Proud din ako sa mga narating mo at lagi ako nandito bilang kaibigan partner sa mga anak natin Lagi ka mag iingat at enjoy momshie!

Matatandaang matapos aminin ni Buboy ang tungkol sa kanilang paghihiwalay, nilinaw niyang maayos ang relasyon niya sa mga magulang ni Angillyn at nagpapasalamat siya sa mga ito dahil pinapayagan umano siyang makasama ang kaniyang mga anak anumang oras niya naisin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Ina na 'di alam na siya'y buntis, nagsilang habang nasa flight patungong Hawaii

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel