Hashtag Kid Yambao, buong-tapang na inamin ang tungkol sa dating bisyo; "Praning na ako"

Hashtag Kid Yambao, buong-tapang na inamin ang tungkol sa dating bisyo; "Praning na ako"

- Matitinding mga rebelasyon ang naibahagi ni Hashtag Kid Yambao sa interview sa kanya ni Ogie Diaz

- Karamihan pa sa mga ito ay hindi pa niya nasasabi maging kay Ogie na kanyang manager

- Kaya labis itong nagulat sa mga naikwento ni Kid lalong-lalo na ang tungkol sa kanyang pamilya

- Sa ngayon, unti-unti na itong bumabangon hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kanyang mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na Kid Yambao ang humarap sa kanyang manager na si Ogie Diaz nang paunlakan niya ito ng interview.

Nalaman ng KAMI na matitinding rebelasyon ang naibahagi ni Kid na maging ang kanyang manager ay nagugulat sa mga naibabahagi nito.

Diretsang sinagot ni Kid ang pagkakalulong niya sa ipinagbabawal na gamot na hindi lamang nagbigay lamat sa kanyang career kundi maging sa kanyang pamilya.

Read also

Buboy Villar, nasusuportahan ang mga anak sa tulong ng paresan niya

Hashtag Kid Yambao, buong-tapang na inamin ang tungkol sa dating bisyo; "Praning na ako"
Photo: Kid Yambao (@hashtag_k1d)
Source: Instagram

Dala umano ng hindi magandang epekto ng droga dumating sa punto na muntik na niyang masaktan ang sariling ama.

Malaki ang pasasalamat niya na nangibabaw pa rin ang konsensya at tamang katinuan sa kanya.

Isa rin sa mga matitinding pagsubok na kanyang ibinahagi ay ang pagkakakulong ng ama sa kasagsagan ng pandemya.

Ito ang naging dahilan upang pasukin ni Kid ang iba't ibang negosyo at unti-unti na rin siyang nakabangon.

Walang ibang hangad si Kid kundi ang mabuo ang kanyang pamilya at masiguro na nasa maayos itong kalagayan.

Mula kasi pagkabata, masasabi niyang breadwinner siya ng mga mahal sa buhay na hanggang ngayon at patuloy pa rin niyang sinusuportahan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Daniel Virgil Veluz Yambao o mas kilala bilang si "Kid Yambao" ay isang Filipino actor, model, dancer at TV host. Nakilala siya bilang isa sa mga miyembro ng grupong 'Hashtags' sa 'It's Showtime.'

Read also

Ate Gay, emosyonal na nagpasalamat sa mga kapatid para sa kanyang 'ikalawang buhay'

Bukod kay Kid, naging panauhin din ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ang aktor at komedyante na si Joey Marquez gayundin si Bearwin Meily.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel