Delivery rider na masayang naghatid ng mga 'BTS meal', natulungan ng mga BTS fans
- Kinagiliwan ng mga BTS Army ang delivery rider na masayang naghatid ng kanilang BTS meal
- Hunyo 18 nang mai-launch ang naturang meal sa Pilipinas at ayon sa viral delivery rider, 'umaarangkada' ang kanilang delivery
- Dahil dito, isang BTS fan ang nakaisip na tulungan ang masayahing rider na naging positibo sa kanilang pinakahihintay na BTS meal
- Sa halip na Php7,000 na siyang target sana nilang malikom sa rider, umabot na ito sa mahigit Php45,000
- Maging ang isang branch ng McDonald's ay nagdala ng BTS meal sa pamilya ng rider
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Maraming BTS fans ang natuwa sa viral post ng delivery rider na si Benjamin Baetiong noong Hunyo 18.
Nalaman ng KAMI na ito umano ang araw na nailunsad ang 'BTS meal' sa Pilipinas na pinakaabangan ng mga 'BTS Army' sa bansa.
Taliwas sa naging komento ng ibang mga riders patungkol dito, naging positibo naman si Benjamin at sinabing 'umaarangkada' ang kanilang delivery dahil sa BTS meal.
"Lakas ng BTS meal ngaun. Umaarangkada na.. kme mga Foodpanda rider.. masayang dedeliver sa inyo ang bts meal.. kya mga bts fans.. dyn.. gogogogo na order na kyo," ang mismong caption niya sa kanyang viral post.
Dahil dito, isang miyembro ng BTS Army sa bansa ang nakaisip na handugan ng tulong si Benjamin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Natuwa ang Twitter user na si @therealkittenwp at isang fan ng nasabing Korean group kaya binuo niya ang proyekto para kay Benjamin.
Sa ibinahaging post ni Felip Chen, makikitang Php7,000 lang sana ang halagang iipunin ng mga fans para kay Benjamin.
Subalit dahil solid ang mga 'Army' na labis na naka-appreciate kay Benjamin, pumalo sa halagang Php45,000 ang kanilang nalikom para sa rider.
Mababakas sa mga ngiti ni Benjamin ang kasiyahan sa 'di inaasahang natanggap dahil lamang sa kanyang simpleng post.
Bukod pa rito, isang branch ng McDonald's ang naghandog naman ng BTS meal para sa pamilya ni Benjamin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Noong Hunyo 16, dalawang araw bago ang launching ng BTS sa meal sa Pilipinas, una nang nakatanggap nito ang ting mga medical frontliners.
Samantala, sa bansang Indonesia naman, nauwi sa pansamantalang pagsasara ang ilang branch ng McDonald's sa kanila dahil dinagsa at dinumog sila ng mga riders sa paglulunsad ng BTS meal sa kanilang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh