Ilang McDonald's store sa Indonesia, isinara; nagkagulo umano dahil sa BTS meal

Ilang McDonald's store sa Indonesia, isinara; nagkagulo umano dahil sa BTS meal

- Dumarami na ang mga McDonald's store sa Indonesia na pansamantalang nagsara dahil sa pagdagsa ng orders ng BTS meal

- Ilang video ang nagpapakita kung gaano karami ang mga delivery riders na dumagsa sa mga McDonald's

- Makikita rin na talagang nagkagulo sa ilang branches kaya napilitang magsara ang ilan pang mga stores sa nasabing bansa

- Labis na nakababahala ito na maari umanong maging mitsa ng pagtaas ng bilang COVID-19 cases ayon sa kanilang mga local officials

- Sa Pilipinas, inaasahang daragsa rin umano ang orders ng BTS meal na magiging available sa bansa sa Hunyo 18

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang dinumog at dinagsa ang mga McDonald's stores sa iba't ibang bahagi ng Indonesia nang maging available na sa kanilang bansa ang "BTS Meal" nitong Hunyo 9.

Nalaman ng KAMI na dahil sa dami ng mga orders at sa mga delivery riders na nagsiksikan sa iba't ibang mga branches ng McDonald's, napilitang isara ang ilan sa mga ito.

Read also

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

Sa ulat ng Philippine Star, ibinahagi ang ilang mga video clips kung paano nagkagulo ang mga delivery riders sa loob mismo ng ilang McDonald's store.

Ilang McDonald's store sa Indonesia, isinara; nagkagulo umano dahil sa BTS meal
Photo: BTS (Bulletproof Boy Scouts 방탄소년단)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bagaman at mga naka-mask, wala talagang social distancing sa mga riders na dumagsa dahil sa "BTS meal" orders.

Ayon pa sa Jakarta Post, ito ng naging hudyat sa mga local officials sa bansa na pansamantalang ipasara ang mga stores na maari umanong maging mitsa ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

"We temporarily closed four of six McDonald's stores here in Semarang for a couple of days," ayon kay Fajar Purwoto, ang Jakarta public order agency head.

"I don't want Semarang to be in the COVID-19 red zone again," dagdag pa niya.

Narito ang isa sa mga video na kuha mismo sa isang McDonald's store sa Indonesia.

Read also

Aktuwal na proseso ng paggawa ng chicken joy, viral sa social media

Sa Pilipinas, inaasahang maraming miyembro ng "BTS army" sa bansa ang dadagsa sa paglulunsad din ng "BTS meal" sa Hunyo 18.

Sa pahayag ni McDonald’s PH corporate communications head Adi Hernandez, inaasahan na nila ang dami ng mga agad na oorder ng BTS meal na kanila umanong pinaghahandaan.

“With the Philippines being one of the countries with the biggest BTS fanbase, we are anticipating much excitement and support when we launch the BTS Meal on June 18."
"The BTS Meal will be available across all channels McDelivery, drive-thru, take-out, dine-in to provide customers more options for ordering the meal”
“A big part of the preparation is to ensure that we will not compromise the quality and safety of our food, and the safety of our people through the strong reinforcement of our M Safe protocols which has always been part of our operating culture”
“We will also be reminding our customers via our social media pages prior to the launch to ensure that these protocols will be observed once they order their much-awaited BTS Meals”

Read also

Kyla, kinagiliwan nang mataranta sa video call niya sa It's Showtime

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang BTS ay ang popular na K-pop (or Korean pop) group na binubuo nina Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V and Jungkook na mula sa South Korea. Mula 2013, unti-unti silang nakilala sa buong mundo na hanggang ngayon, patuloy na dumarami ang kanilang mga "BTS army."

Sa Pilipinas, isa ang aktres na si Arci Muñoz na sa mga maituturing na super fan ng BTS. Maging ang ipinagmamalaki nating singer at actress na si Lea Salonga ay hindi naipagkaila ang kanyang paghanga sa BTS.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica