Medical frontliners, unang nakatanggap ng 'BTS meal' bago pa ang launching nito sa Pilipinas

Medical frontliners, unang nakatanggap ng 'BTS meal' bago pa ang launching nito sa Pilipinas

- Una nang nakatanggap ng 'BTS meal' ang mga medical frontliners sa Pilipinas

- Ito ay dalawang araw bago ang official launching nito sa bansa sa Hunyo 18

- Tinatayang nasa 2,000 na mga frontliners ang una nang nabigyan ng pinakaabangang meal sa McDonald's

- Kamakailan, ilang mga McDonald's store sa Indonesia ang napasara matapos magkagulo dahil sa pagdagsa ng tumangkilik sa BTS meal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpasaya sa maraming medical frontliners ang 'BTS meal' ng McDonald's na una na nilang natanggap bago pa man ito buksan sa publiko.

Nalaman ng KAMI na dalawang araw pa bago ang official launch nito sa mga McDonald's store sa bansa, nabigyan na ang nasa 2,000 na medical frontliners na patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19.

Medical frontliners, unang nakatanggap ng 'BTS meal' bago pa ang launching nito sa Pilipinas
Photo: Medical frontliners with their BTS meal (McDonald's PH)
Source: Facebook

Ito ang pasasalamat din na handog ng kilalang fast food chain para sa mga 'bayani' ng pandemya.

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng panibagong tour sa kanyang resort

Bukod sa mga ospital, namahagi rin ng 'BTS meal' sa mga piling vaccination sites.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Our medical frontliners have been working tirelessly to keep everyone safe throughout the pandemic. With the launch of the BTS Meal and the overwhelming support McDonald's is getting from the public, we want them to be the first to enjoy the BTS Meal," pahayag ni McDonald's Philippines president at CEO Kenneth Yang.

Ang BTS meal ay collaboration ng McDonald's sa sikat na South Korean boyband sa buong mundo na BTS.

Binubuo ang meal ng Chicken McNuggets, fries at drinks at ang bagong sweet chili at cajun sauces na noon pa ma'y available na sa mga branches ng McDo sa South Korea.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Isang eksena sa FPJ's Ang Probinsiyano, viral sa social media

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang una nang naiulat ng KAMI ang umano'y pansamantalang pagsasara ng ilang McDonald's branches sa Indonesia.

Ito ay matapos na dagsain ang kanilang mga stores sa launching ng BTS meal sa kanilang bansa.

Nangamba ang ilang lokal na opisyal sa Jakarta at mga karatig lugar nito dahil sa 'di sinasadyang paglabag sa safety protocols nang sila ay dumagsa sa mga McDonald's branches.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica