Babaeng online gamer, ibinenta ang motor ng ama para sana makipagkita sa kanyang 'crush'

Babaeng online gamer, ibinenta ang motor ng ama para sana makipagkita sa kanyang 'crush'

- Nag-viral ang isang Indonesian na babae na nagawang ibenta ang motorsiklo ng ama para lang makabili ng airplane ticket

- Nais daw nitong makalipad patungo sa Jakarta upang makipagkita sana sa kanyang 'crush'

- Nakilala umano niya ito sa online game at sa kagustuhang makita ang lalaking napupusuan, gumawa siya ng paraan

- Sa kasamaang palad, nagbago ang isip ng lalaki na ayaw nang makipagkita sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang isang babae na nakita na lamang na umiiyak sa airport ng Petaling, Jaya sa Indonesia.

Nalaman ng KAMI na ang babaeng ito ay makikipagkita sana sa kanyang 'crush' na nakilala lamang sa isang online game.

Ayon sa Yahoo News, isang airport personnel ang nakapansin sa babae at kanya itong nilapitan.

Babaeng online gamer, ibinenta ang motor ng ama para sana makipagkita sa kanyang 'crush'
Photo from @ndorobeii
Source: Instagram

Tila balisa na kasi ang babae na nilahad ang buong pangyayari sa lumapit sa kanyang personnel.

Read also

Nag-viral na aso, muling hinangaan nang masundan ang amo na dinala sa ospital

Sinabi niyang sa kagustuhan na makita at makasama ang kanyang 'online crush,' nagawa niyang ibenta ang motorsiklo ng kanyang ama sa halagang 20 million rupiahs o may katumbas na Php67,000.

Ngunit sa kasamaang palad, bigla na lamang umatras na makipagkita ang lalaki sa kanya dahilan para siya ay mapaiyak na lamang sa airport.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Una nang napansin ng mga airport staff ang babae na tila hindi alam kung saan pupunta kaya naman sila ay naghinala.

Nais pa rin sanang lumipad patungong Jakarta ng babae subalit napigilan na ito matapos na makita ng kanyang mga magulang ang kanyang viral video na naibahagi ni @ndorobeii sa kanyang Instagram.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing maraming epekto sa kaninoman ang labis na paglalaro ng online games. Mayroon mang kabutihang naidudulot ito dahil sa umano'y nakakawala ng pagod ang paglalaro subalit mayroon din namang mga hindi magandang naidudulot ito.

Read also

Joey Marquez, masaya sa pagiging malapit sa isa't-isa ng kanyang 16 na mga anak

Tulad na lamang ng isang 15-anyos na binatilyo na sinasabing labis na nalulong sa paglalaro ng mobile games.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Halos hindi na raw ito natutulog at idinadaan sa pag-inom ng maraming kape ang sarili upang hindi basta antukin.

Sinasabing naputukan umano ito ng ugat sa ulo na siyang naging dahilan ng kanyang maagang pagkasawi.

Magsilbing aral nawa ito lalo na sa mga magulang na patuloy na gabayan ang mga anak lalo na sa panahon ngayon na tutok na tutok ang mga kabataan sa internet.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel