Nag-viral na aso, muling hinangaan nang masundan ang amo na dinala sa ospital
- Muling nag-viral ang asong si Boncuk nang humabol ito sa kanyang amo na may sakit
- Nang sunduin ang amo nito ng ambulasyang nagdadala sa kanya sa ospital makikita na ang pagkabalisa ng aso
- Tinangka pa nitong sumama at sumakay sa ambulansya ngunito napigilan din siya
- Humabol talaga siya sa sasakyan hanggang makarating ito ng ospital at tuluyan nang na-admit ang kanyang amo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling hinangaan ang asong si Boncuk nang humabol ito sa kanyang 'fur parent' na nagkasakit.
Nalaman ng KAMI na sinundo na ng ambulansiya ang amo ng aso. Makikita ang pagkabalisa ni Boncuk na halatang nag-aalala para sa kanyang amo.
Sa video na ibinahagi ng Reuters, makikita ang aso na nagtangka pang sumakay sa ambulansiya subalit napigilad ito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Subalit hindi nagpatinag ang aso at talagang humabol pa rin sa pag-andar ng ambulansiya.
Nakarating pa talaga ito sa ospital ng kanyang amo kung saan tinangka muli niyang sumama.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagpakita ng katapatan si Boncuk. Nito lamang Enero, na-ospital din ang kanyang amo.
Talagang matiyagang naghintay sa labas ng ospital sa Trabzon,Turkey si Boncuk hanggang sa ma-discharge ang amo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa bansa, minsan na ring nag-viral ang isang Pinay na nagmalasakit na pakainin ang mga asong walang nag-aalaga at nasa kalsada lamang lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Gayundin ang isang palaboy na umantig sa puso ng marami dahil sa kabila ng kawalan niya ng sariling tahanan, nagawa pa rin niyang kupkupin ang mga asong wala nang nag-aalaga.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh