Frontliners ng mga aso! Dog lover, matiyagang nag-iikot para pakainin ang mga asong walang tirahan
- Kinilala ng KAMI ang isang dog lover na kumakalinga sa mga aso walang tirahan lalo na sa panahaon ngayong naka-enhanced community quarantine ang karamihan ng lugar sa ating bansa
- Siya si Maureen at sampung taon na siyang kumakalinga sa mga 'stray dogs'
- Mas lalo niyang binibigyang pansin ang mga asong may mga karamdaman
- Tulad daw kasi ng tao, mahalaga rin ang buhay ng mga tinuturing na man's best friend
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang ginagawa ng dog lover na nakilala ng KAMI na si Maureen dahil sa pagkalinga nito sa mga asong nasa lansangan sa kabila ng banta ng COVID-19.
Matiyagang iniikot ni Maureen ang mga kalsada para pakainin ang mga asong walang kumakalinga at walang mga permanenteng tirahan.
Tulad din daw kasi ng mga tao, mahalaga rin ang buhay ng mga aso.
Sampung taon na ang nakararaan nang magsimula siyang mag-alaga ng 'stray dogs.'
Nagsimula lamang siya sa apat at ngayon, 70 na ang nasa shelter ng kanyang kaibigan.
Binibigyang pansin lalo niya ang mga asong may mga karamdaman at hangga't maari ay ipinagagamot pa niya ang mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami na siyang kwento pagdating sa mga aso ngunit ang hindi niya malilimutan ay ang mga tagpo kung saan sinasagip pa lamang niya ang mga ito.
Nakararamdam din siya umano ng lungkot kung hindi niya nadadalaw ang mga naisalbang aso na nasa shelter dahil may kalayuan ito sa kanyang tinitirahan.
Ngayong naka-enhanced community quarantine ang karamihan ng lugar sa bansa, hindi ito nakahadlang upang ipagpatuloy niya ang kanyang misyon na kalingain ang mga pagala-gala lamang na aso.
Wala raw makakapigil sa kanya sa pagtulong sa mga aso at hinihimok din niya ang iba na tumulong sa mga asong kumakalinga lalo na sa panahon ngayon na wala halos tao sa lansangan.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento tungkol sa pagmamahal sa mga itinuturing na "man's best friend"
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important! And here is why.
Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow |
Source: KAMI.com.gh