15-anyos na binatilyo, nasawi dahil sa sobrang puyat sa paglalaro ng online games
- Isang binatilyo ang binawian ng buhay dahil sa labis na pagpupuyat at paggamit ng gadgets ng matagalan
- Ayon sa ilang ulat, naputukan umano ito ng ugat sa ulo dahilan para siya ay mamatay
- Matinding puyatan daw talaga ang ginagawa nito dahil pagpatak ng alas tres ng madaling araw, nagkakape pa ito para manatiling gising
- Magsilbing babala umano ang nangyaring ito sa binatilyo sa iba pang mga kabataang ayaw paawat sa sobrang pagbababad sa mga gadgets
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nasawi ang isang 15-anyos na binatilyo dahil di umano sa sobrang pagpupuyat sa paglalaro ng kinahuhumalingang online games.
Ayon sa post ni JPrincess Toquero, tutok na tutok sa kanyang gadget ang binatilyong si Bryan Dumaque sa araw-araw.
Nalaman ng KAMI na sa tuwing papatak na ang alas tres ng madaling araw at kasarapan pa ng kanyang paglalaro, iinom pa raw ito ng kape upang mapaglabanan ang antok.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hanggang sa dumating ang araw na naputukan umano ng ugat sa ulo ang binatilyo dahilan para siya malagay sa coma.
Hindi nagtagal, at binawian na rin daw umano ito ng buhay.
Nag-viral ang naturang post at karamihan ng komento ay mga "tag" sa mga taong marahil ay lulong na rin sa paglalaro ng online games.
Hindi nalalayo ang kwentong ito sa naunang ulat ng KAMI tungkol sa dalagitang hindi na lumalabas ng kanyang kwarto sa sa sobrang tutok sa kanyang cellphone.
Bigla na lamang nakaramdam ng hilo ang dalagita bago ito nagsuka, natumba at nanigas ang mga daliri. Nag-seizure na pala ito at agad namang nadala sa pagamutan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Magsilbing babala nawa ito sa mga kabataang hindi mapigilan ang sarili sa sobrang paggamit ng mga gadgets.
At sa mga magulang, huwag nating hintayin pa ang araw na humantong sa ganitong sitwasyon ang inyong mga anak.
Maari naman silang gumamit ng cellphone o gadget nang may tamang paggabay at disiplina sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh