Dalagita na halos di na raw lumabas ng kwarto kaka-cellphone, nag-seizure
- Nag-viral ang post ng kapatid ng isang dalagita na nag-seizure daw kaka-cellphone
- Di na raw lumalabas ng kwarto ang dalagita at minsan pa nga'y nakakaligtaan kumain dahil sa cellphone
- Nagbigay babala ang kapatid ng dalagita na totoo pala ang seizure bunsod ng labis na paggamit ng mga gadgets
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post patungkol sa kapatid ng netizen na si Sarena Singian na sinasabi niyang nagbababad talaga sa cellphone.
Ayon sa post ni Sarena, di na raw lumalabas ng bahay minsan pa ay kwarto niya mismo ang kanyang kapatid at wala na lang daw itong ginawa kundi ang mag-cellphone.
Nalilipasan din daw ito ng gutom minsan at halos di na talga bitawan ang kanyang gadget, umaga hanggang gabi.
Isang umaga, ginising ang dalagita ng ina. Nakabili pa raw ito nang bigas bago sabihing siya ay nahihilo. Sinabi pa raw ng kanilang ina na uminom na lang ng tubig para maibsan ang hilo ngunit bigla na lamang daw ito pumunta sa CR at nagsuka.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
nakapagsaing pa raw ito at nakakaiin ngunit sa isglap lang bigla na itong nanigay at bumabaluktot ang mga daliri sa kamay.
Di na raw ito makagalaw at makatayo manlang. Tumirik na rin daw ang mga mata nito.
Sinugod na sa ospital ang dalagita at doon nakumpirma na nag-seizure nga ang dalagita sanhi ng labis na paggamit ng cellphone.
Maaalalang di ito ang unang beses na may naiulat patungkol sa nag-seizure bunsod ng sobrang paggamit ng mga gadgets. Kadalasan pa ay mga bata edad na 7-12 ang unang naibalita na nakaranas ng focal seizure kung tawagin.
Magsilbi raw sana itong babala sa mga magulang na bigyan lamang ng oras ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets ang kanilang mga anak.
Noon pa man, sadyang ang labis ay nakasasama kay mainam na maagapan at huwag na nating hintayin na mangyari pa ito mismo sa atin.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh