Dra. Vicki Belo, todo suporta kay Ivana sa "Who Wore it Better" ng Fashion Pulis

Dra. Vicki Belo, todo suporta kay Ivana sa "Who Wore it Better" ng Fashion Pulis

- Sa Instagram page ng Fashion Pulis, naitapat ang larawan nina Ivana Alawi at Nadine Lustre na parehas nakasuot ng tube na damit pang-itaas

- Matagal nang nagbabahagi ang nasabing blog site ng mga ganitong uri ng post kung saan ang mga netizens ay nagbabahagi ng kanilang opinyon kung alin sa dalawa ang mas angat pagdating sa pagdadala ng damit

- Kapansin-pansin ang komento ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa nasabing post at nagkaroon ng sagutan ang fans ng dalawang aktres

- Si Ivana ang isa sa endorser ng Belo Medical Clinic kaya hindi kataka-taka ang pinakitang suporta nito sa sikat na vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkasagutan ang tagasuporta at tagahanga ng dalawa sa maituturing na kabilang sa pinakasikat na aktres sa kanilang henerasyon sa isang "Who Wore it Better" post ng Fashion Pulis sa kanilang Instagram account.

Read also

Sarah Geronimo, trending sa social media dahil sa kanyang "pasabog" na hairstyle

Dra. Vicki Belo, todo suporta kay Ivana sa "Who Wore it Better" ng Fashion Pulis
Ivana Alawi kasama ang Pamilya Belo (@scarletsnowbelo)
Source: Instagram

Naitapat ang larawan nina Ivana Alawi at Nadine Lustre na parehas nakasuot ng tube na damit pang-itaas. Gayunpaman, kapansin-pansin ang komento ni Dra. Vicki Belo sa nasabing post kung saan sinusuportahan niya si Ivana.

Kadalasan ay mga ordinaryong netizens lamang ang nagbabahagi ng kanilang choice sa post na ito ng FP. Kaya naman, marami sa fans ni Nadine ang umalma na hindi naman din pinalampas ng mga tagahanga ni Ivana.

Dra. Vicki Belo, todo suporta kay Ivana sa "Who Wore it Better" ng Fashion Pulis
Ivana Alawi and Nadine Lustre (@fashionpulis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Read also

Mader Sitang, ibinida ang resulta ng kanyang pagpapaganda

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Nagdiwang siya ng kanyang ika-65 na kaarawan noong Enero si doktora Belo. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel