Sarah Geronimo, trending sa social media dahil sa kanyang "pasabog" na hairstyle
- Sa dami ng mga tagasuporta ng popstar na si Sarah Geronimo, hindi nakakapagtaka na muli itong nag-trending sa social media
- Sa concert nilang mag-asawa para sa brand na kanilang ini-endorso, ginulat ni Sarah ang kanyang mga tagahanga sa kanyang bagong hairstyle
- Sa unang pagkakataon ay nasilayan ng publiko si Sarah sa kanyang pixie haircut na ayon sa kanyang mga tagahanga ay bumagay sa kanya
- Kamakailan ay nag-trending din si Sarah matapos niyang ipakita ang kanyang braces
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa 5th Birthday Online Concert ng Landers Superstore, tampok ang concert ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Bukod sa husay nila sa kanilang mga performances, marami ang nagulat sa bagong haircut ni Sarah.
Sa kabuuan ng kanyang showbiz career ay ito ang kanyang pinakamaiksing hairstyle. Kaya naman, kaagad na naging usap-usapan ito sa social media at trending siya sa Twitter.
Para sa mga Popsters, sobrang bumagay sa kanilang idolo ang bago niyang hairstyle. Matatandaang naging usap-usapan din ang picture ni Sarah kamakailan na kung saan pinakita niya ang kanyang bagong braces.
Ang mag-asawa ay kabilang sa mga artistang endorser ng Landers Superstore at matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng online concert para sa nasabing brand.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.
Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh