Kris Bernal, dinagsa ng 23 na Grab delivery riders dahil sa fake booking
- Nawindang si Kris Bernal matapos siyang sugurin ng mga Grab riders sa kanyang address
- Iisang tao lang umano ang nag-order sa mga riders at hindi umano biro ang presyo ng mga inorder niya
- Nalungkot naman si Kris dahil sa ginawang ito sa kanya at nalungkot din siya para sa mga nabiktimang rider
- Wala naman umano siyang maisip na kaaway kaya hindi niya maisip kung sino ang gagawa niyon sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ni Kris Bernal ang mga video na kuha sa tapat ng kanyang bahay kung saan dumagsa ang mga Grab delivery riders. Nabiktima ang mga ito ng fake booking at iisang tao lang umano ang gumawa nito.
Ayon kay Kris, wala siyang maisip na nakaaway niya o nakasamaan niya ng loob kaya hindi niya lubos maisip kung sino ang gagawa niyon sa kanya.
I neither have enemies nor did I offend someone. I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen. All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment. What saddens me the most is I’m not the only one affected in this situation but also the Grab drivers who were victims of the fake deliveries. I really hope that there was even a bit of sympathy to the riders. They are the main victims here. I hope the person who did this will feel a bit of conscience.
Base sa post niya umabot sa mahigit 20 ang nabiktima ng fake booking.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay nakilala rin sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.
Bukod sa kanyang matagumpay na negosyo, hilig din ni Kris ibahagi ang kanyang workout routines sa kanyang social media account. Marami ang humahanga sa kanyang pagiging masigasig sa pagwo-workout upang makamit ang kanyang #bodygoals.
Gayunpaman, ilang beses nang nakaranas ng body-shaming ang aktres dahil sa kanyang pagpapapayat. Kaya naman, nagbahagi siya ng mensahe para sa mga kagaya niyang nahahamak sa social media dahil sa kanyang katawan.
Matatandaang naging emosyonal ang aktres dahil sa mga hindi kaaya-ayang komento ng mga netizens kaugnay sa kanyang pagpapapayat.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh