Vlogger, humanga sa welder na isusurpresa ang anak na isang KPop fan
- Humanga ang vlogger na si Basel Manadil sa isang ama naging customer niya sa kanyang Korean Mart
- Napansin niya ang lalaki dahil sa tila nahihirapan ito sa kung ano ang kanyang bibilhin
- Matapos makapamili, nanghiram pa raw ito ng gunting at tape at ibinalot ang mga pinamili gamit ang poster ng isang KPop Group
- Naantig ang puso ng vlogger sa ginawa ng ama kaya naman tumulong na siya rito sa munting supresa nito sa kanyang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Napabilib ang YouTuber na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer sa isang ama na naging customer niya sa kanyang Korean Mart.
Nalaman ng KAMI na napansin niya ang lalaki na tila hindi sigurado sa kanyang mga bibilhin.
Bukod sa mga nabiling Korean food, bumili rin ito ng poster ng Blackpink saka nanghiram ng gunting at tape.
Napansin na lamang ni Basel na binabalot na ng lalaki ang mga ipinamili na surpresa pala niya sa ika-16 kaarawan ng kanyang anak na isang KPop fan.
Lakas-loob na itong inusisa ni Basel at nalamang niyang welder ang lalaki na nagsuusmikap na pasayahin ang anak sa espesyal na araw nito.
"This is not a vlog and he doesnt recognize me as well. But I think its worth sharing, I was so touched how he carefully handpick products that he is not familiar with for the sake of his daughter’s happiness. Still a father’s day feels it is!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Ilan sa mga grupo na kanyang natulungan ngayong pandemya ay ang mga jeepney at bus drivers gayundin ang mga masu-swerteng delivery riders na nabigyan niya ng tulong pinansyal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh