Barbie Hsu, sinabing nag-file siya ng divorce sa asawa ng 10 taon

Barbie Hsu, sinabing nag-file siya ng divorce sa asawa ng 10 taon

- Lumabas ang balita tungkol sa umano'y pinagdadaanang pagsubok ni Barbie Hsu at ng kanyang asawa

- Ito ay matapos sabihin ng Metero Garden star nag-file umano siya ng divorce sa kanyang asawa na nakasama niya sa loob ng 10 taon

- Marami rin ang nakapansin na nag-unfollow umano ang aktres sa social media account ng asawa

- Burado na rin ang post ng asawa niya kung saan sinabi ng kanyang asawa na itinuturing niyang number one si Barbie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging maugong ang usap-usapan tungkol sa naging pahayag ni Barbie Hsu tungkol sa umano'y pag file niya ng divorce sa kanyang asawa na kanyang nakasama sa loob ng sampung taon.

Ayon sa ulat ng Today online naka unfollow na rin umano ang aktres sa social media account ng kanyang asawa na lalong nagpaigting sa kumakalat na balita.

Read also

Niña Jose, hinangaan sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak

Barbie Hsu, sinabing nag-file siya ng divorce sa asawa nang 10 taon
Barbie Hsu (@barbiehsu_das)
Source: Instagram

Ayon pa sa ulat ng CNA Lifestyle, sinabi umano ni Barbie na hindi alam ng kanyang asawa ang kanyang pag-file ng divorce.

Gayunpaman, sa ulat ng Straight Times, ayon sa ina ng aktres, nasabi lamang iyon ni Barbie dahil sa kanyang emosyon. Pinabulaanan nito ang tungkol sa balitang makikipag-divorce ang anak.

"Barbie just said some words of anger. What divorce is she speaking about? I will calm her down. Barbie and Xiaofei both care deeply about their children and I will tell them both to bear with it for the moment."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Barbie Hsu ay kinasal sa Chinese entrepreneur na si Wang Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing.

Pinakanakilala sya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Read also

Gardo Versoza, pinakita ang ilan sa kanyang mga high heels na sapatos

Samantala, matatandaang kinailangang isuko ni Barbie ang kanyang pagbubuntis matapos tumigil ang pagtibok ng puso ng kanyang dinadala noong 2018.

Hinangaan din ang kanyang pagkakapanatili ng kanyang kaaya-ayang pangangatawan at kagandahan kahit pa nasa mahigit 40 anyos na ito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan sa pagpapahayag ay ang pananagutan lalo na kung makakasira ng imahe ng ibang tao. Nawa ay dumami pa ang maging mabuting halimbawa sa pagbabahagi ng saloobin at opinyon nang may paggalang sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel