Traje de boda ni Ara Mina, iniregalo ng kapatid na si Cristine Reyes
- Marami ang humanga sa ganda ni Ara Mina sa kanyang bridal look nang ikasal kay Dave Almarinez
- Naganap ang kasalan kahapon, June 30, 2021 sa Baguio kung saan dumalo ang ilang bigating personalidad
- May lumabas na balitang umabot sa P800,000 ang presyo ng kanyang wedding gown ngunit hindi ito kinumpirma ng designer
- Regalo umano ito sa kanya ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes at iba pang mga kapatid
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kitang-kita sa mukha ng bride na si Ara Mina ang kanyang kasiyahan sa araw ng kanyang kasal. Bumagay sa kanya ang wedding gown na gawa ng designer na si Leo Almodal. Hindi umano kinumpirma ng nasabing designer kung totoong umabot sa P800,000 ang mala-Cinderellang gown ni Ara.
Regalo umano ito sa kanya ng kapatid na si Christine Reyes at iba pang mga kapatid ayon sa ulat ng ABS-CBN news.
Ikinasal si Ara at Dave sa Baguio nitong July 30, 2021 ayon sa isang ulat ng Philippine Star.
Narito ang reaksiyon ng mga netizens sa kanyang bonggang gown:
Gandang ganda ako sa gown, gosh inggit ako haha! Mukha syang queen sa gown nya..at first time kong magustuhan ang isang ball gown na hinde michael cinco. Magaling pala si leo almodal
I personally love her gown. Yung minimalist kakasawa na. It is not for everyone. Ara is not short and scrawny so she can pull this gown off. She has the tiny waist and curves for it too. It's your wedding, you should be able to wear what you want w/o worrying about others opinions
Ang ganda, mukhang naging royalty si Ara Mina. Queenly ang dating.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ara Mina ay isang aktres at naging recording artist din. Kapatid niya ang aktres na si Christine Reyes.
Kamakailan lang ay inamin ng aktres na nasa dating stage sila ni Dave Almarinez. Sa kabila ng intriga, hindi nagpaapekto ang aktres at tuloy-tuloy lang sa pamamahagi ng tulong sa gitna ng pandemya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh