Vice Ganda, isinama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang bakasyon sa Cebu

Vice Ganda, isinama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang bakasyon sa Cebu

- Muling kinaaliwan ng mga netizens ang ibinahaging video ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel

- Ang ikalawang video ng kanilang bakasyon sa Cebu kasama ang kanyang mga kaibigan ay ang kaganapan sa kanilang pamamalagi sa Cebu at pamamasyal

- Ipinakita din sa kanyang vlog ang pagsakay nila sa isang yate hanggang sa pasakay na sila ng eroplano pabalik ng Maynila

- Ayon kay Vice, masaya siyang nakasama niya ang mga kaibigan ngunit dahil hindi siya sanay na hindi niya kasama si Ion, excited umano siyang umuwi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa ikalawang bahagi ng kanilang bakasyon sa Cebu, inisa-isa ni Vice na puntahan ang mga silid ng kanyang mga kaibigan para sa kanyang room raid.

Kasunod niyo ay sabay-sabay din silang kumain bago tumungo sa kanilang mga papasyalan. Sumakay sila sa isang yate.

Read also

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan

Vice Ganda, isinama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang bakasyon sa Cebu
Ion Perez and Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Bilng mga komedyante, walang humpay ang kanilang biruan at kulitan na kinaaliwan naman ng netizens.

Gayunpaman, bukod sa good vibes, marami sa mga netizens ang napabilib lalo sa ginawang ito ni Vice para sa kanyang mga kaibigan.

I love how Vice Ganda lowkey gives screentime for every beks squad. Not a collab but gives time for everyone to be on her side.
Let's give time to appreciate vice ganda even though she is so successful she never forgets his friends.
Sobrang generous talaga ni meme sobrang bait hindi lang maganda

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Sarah Geronimo, trending sa social media dahil sa kanyang "pasabog" na hairstyle

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Kasunod nito ay agad na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang patawan ng suspensiyon at pinagmulta ng talent agency na may hawak sa kanila.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel