Buknoy Glamurrr, usap-usapan dahil sa patutsada kay Awra Briguela

Buknoy Glamurrr, usap-usapan dahil sa patutsada kay Awra Briguela

- Muling pinasaringan ni Buknoy Glamurrr si Awra Briguela at dinamay pa nito sina Vice Ganda at Ion Perez

- Sa isang live video ng kaibigan niyang si Gabo, nagkunwari siyang siya si Awra habang nakikipag-usap sa kaibigan

- Sinabi nito na kaya binitawan ni Vice Ganda si Awra dahil siya umano ang gusto ni Ion at pera lang habol nito kay Vice

- Agad namang inalmahan ni Awra ang mga patutsadang ito ni Buknoy sa kanya at kay Vice Ganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kontorbersiyal na naman ang social media personality na si Buknoy Glamurrr matapos ang kanyang pang-iintriga kay Awra Briguela at Vice Ganda. Binanggit din nito ang karelasyon ni Vice na si Ion Perez.

Buknoy Glamurrr, usap-usapan dahil sa patutsada kay Awra Briguela
Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Derek Ramsay, tinanong ng nanay ni Ellen kung sigurado na ito sa pagpapakasal

Sa live video ng kaibigan ni Buknoy na si Gabo, nagkunwari si Buknoy na siya si Awra habang nakikipag-usap sa kaibigan.

Tinanong ni Gabo si Buknoy na kunwari ay si Awra ito.

"Awra, bakit ka nga ba nalaos?

Ang kanilang sagutan ay nagpahiwatig na kaya binitawan ni Vice Ganda si Awra ay dahil may gusto umano si Ion kay Awra at pera lang ni Vice ang habol nito.

Hindi naman ito pinalampas ni Awra at umalma siya lalo at may ibang taong dinamay si Buknoy sa patutsada nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos magviral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz.

Read also

Vico Sotto, pinasalamatan sina Anne Curtis at Angel Locsin sa kanilang donasyon

Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noong nakaaraan. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel