Vico Sotto, pinasalamatan sina Anne Curtis at Angel Locsin sa kanilang donasyon sa Pasig

Vico Sotto, pinasalamatan sina Anne Curtis at Angel Locsin sa kanilang donasyon sa Pasig

- Pinasalamatan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Kapamilya stars na sina Anne Curtis at Angel Locsin

- Ito ay dahil sa kanilang ibinigay na donasyon na cash sa kanyang nasasakupang lungsod

- Ayon pa kay Vico, ibinigay nila ito nang walang ingay o walang media na nakatutok

- Iniwan lang umano ng mga ito ang tseke at ni hindi umano niya nakaharap o nakausap ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Facebook live video, pinasalamatan ni Vico Sotto ang dalawang Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Anne Curtis.

Isang milyon ang naibigay ng Shop & Share kung saan kabilang sina Anne at Angel. Ayon pa kay Vico, binigay lang ang tseke na iyon na kanilang idadagdag sa vaccination program ng lungsod.

Vico Sotto, pinasalamatan sina Anne Curtis at Angel Locsin sa kanilang donasyon sa Pasig
Vico Sotto kasama ang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes (@vicosotto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Julia Barretto, suportado si Gerald Anderson sa kabila ng naging pahayag ni Bea Alonzo

"Dinonate nila ito walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila 'yung tseke," aniya.

Matatandaang naibahagi ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account ang tungkol sa anim na milyong nalikom ng Shop & Share na paghahati-hatiin sa limang lungsod ni kinabibilangan ng Baguio City, Taguig City, Quezon City, Manila City at Pasig City. Kabilang din ang Philippine Red Cross sa kanilang benipisyaryo.

In hopes of truly flattening the curve and helping our kababayans who are most in need, in the sectors of the urban poor and working groups, we have decided it is best to donate the rest of the proceeds of Shop and Share to LGUs and an organization that now have solid COVID-19 Vaccination initiatives for members of their communities. This is in addition to the funding of COVID-19 tests conducted last year.
The proceeds amounting to six million pesos (Php 6,000,000) are split to benefit 5 cities and an organization active in the fight against COVID-19.

Read also

Vicki Belo, nawindang nang banggitin ni Alex Gonzaga ang "Careless Whisper"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.

Isa siya sa pinakapinupuring mga alkalde dahil sa magagandang proyektong kanyang pinapatupad sa kanyang nasasakupan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kinaaliwan ng marami ang pakiusap ni Vico tungkol sa pagpapadala ng kanyang mga nasasakupan tungkol sa kanilang COVID-19 vaccination pictures.

Matatandaang pumanaw ang driver ni Vico kamakailan matapos itong tamaan ng COVID.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel