Vicki Belo, nawindang nang banggitin ni Alex Gonzaga ang "Careless Whisper" sa kanyang vlog

Vicki Belo, nawindang nang banggitin ni Alex Gonzaga ang "Careless Whisper" sa kanyang vlog

- Masaya ang usapan nina Alex Gonzaga at Dra. Vicki Belo sa pag-guest ng aktres sa vlog ng celebrity doctor

- Isa-isang sinagot ni Alex ang mga nakahandang tanong na binasa para sa kanya ni Dra. Belo

- Sa bandang dulo ng video ay ikinawindang ng doktora nang biglang ayain siya ni Alex na mag-"Careless Whisper"

- Matatandaang ang awiting "Careless Whisper" ay naging kontrobersiyal kasabay ng paglabas ng video noon ni Hayden Kho kasama ang isang aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nakipag-chikahan si Alex Gonzaga kay Dra. Vicki Belo sa video na ibinahagi ng celebrity doctor sa kanyang YouTube channel.

Hindi inatrasan ni Alex ang mga katanungan tungkol sa kanyang buhay bilang isang misis na sinagot din ni Dra. Belo.

Vicki Belo, nabigla nang banggitin ni Alex Gonzaga ang "Careless Whisper" sa kanyang vlog
Dr. Vicki Belo attends a screening of Freestyle Releasing's "The Road" at ArcLight Hollywood on May 9, 2012 in Hollywood, California. (Photo by David Livingston)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Julia Barretto, suportado si Gerald Anderson sa kabila ng naging pahayag ni Bea Alonzo

Sa huling bahagi ng video ay pinuri ni Dra. Belo si Alex dahil sa pagiging honest umano nito at matatag sa kabila ng kanyang pinagdaanan sa kanyang career.

Ikinawindang lamang niya nang biglang hiniritan siya ni Alex ng "Doc last, let's Careless Whisper."

Natawa na lamang siya at tinawag pa ang asawang si Hayden na mag-careless whisper umano ito.

Matatandaang nag-viral ang video noon ni Hayden Kho kasama ang isang aktres na sumasayaw sa Careless Whisper.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Read also

Rhian Ramos at kanyang road manager, nag-positibo sa COVID-19

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-65 na kaarawan si doktora Belo. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel