Rhian Ramos at kanyang road manager, nag-positibo sa COVID-19

Rhian Ramos at kanyang road manager, nag-positibo sa COVID-19

- Ibinahagi ni Rhian Ramos ang kanyang naging karanasan matapos siyang magpositibo sa COVID-19

- Kasabay niya ang kanyang road manager na kasama niya ring nag-isolate habang nagpapagaling silang parehas

- Bahagi ni Rhian, nag-umpisa sa lagnat ang kanilang sintomas at napagpasyahan nilang mag-quarantine habang hinihintay ang kanilang resulta na lumabas ngang positibo

- Nagbigay naman ng payo ang Kapuso actress sa lahat ng dumadaan sa pakikipaglaban sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Rhian Ramos na tinamaan siya at ang kanyang road manager na si Rach Librado ng COVID-19.

Sa isang Instagram post ay ikinuwento ni Rhian na nag-umpisang lumabas ang sintomas sa kanila sa pamamagitan ng simpleng lagnat.

Rhian Ramos at kanyang road manager, nag-positibo sa COVID-19
Rhian Ramos (@whianwamos)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos umano nito, napagpasyahan na nilang mag-quarantine habang hinihintay pa ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Read also

Lalaking nahuli kasabay ni Darren Peñaredondo, sinabing pinag-exercise sila

Matapos lumabas ang kanilang positibong resulta, itinuloy nila ang pag-quarantine at naging maayos umano ang kanilang kalagayan at pakiramdam sa ikaanim na araw.

“Together, we focused on getting better and making each other laugh. Some days we'd feel better. Some days we'd feel worse. But we stayed motivated and focused on our health."

Parehas nang magaling sina Rhian at ang kanyang road manager. Pinaabot naman ng aktres ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang mga mensahe kaugnay sa kanyang pinagdaanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rhian Ramos ay isang Kapuso aktres at singer. Rhian Denise Ramos Howell ang kanyang totoong pangalan at anak siya nina Gareth Howell at Clara Ramos. Ilan sa mga sumikat niyang teleserye ay Saving Sally, The One That Got Away, at The Rich Man’s Daughter.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang naging usap-usapan ang ibinahaging mensahe ni Rhian para sa kanyang boyfriend halos pitong buwan lamang ang nakakaraan.

Ibinahagi niya rin ang kanyang kondisyon upang pumayag siyang gumawa ng kissing scene sa panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel