Ryan Bang, nakipag-collab kay Herlene Budol sa isang vlog
- Kwela ang naging collaboration nina Ryan Bang at Herlene Budol sa YouTube channel ng "It's Showtime" host
- Ipinaranas ni Ryan kay Herlene ang kanilang dekalidad na styling at treatment sa buhok sa kanyang hair salon
- Isang stylist mula sa Gangnam na nakapag-ayos na raw ng mga buhok ng ilang Kpop artist ang gumawa ng bagong style ng buhok ni Herlene
- Nakatakda ding mapanood si Ryan sa vlog na ibabahagi ni Herlene sa kanyang YouTube channel
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naaliw sa kulitan nina Ryan Bang at Herlene Budol sa video na ibinahagi ni Ryan kung saan pinapunta niya si Herlene sa kanyang hair salon na Moridu Art.
Isang stylist mula sa Gangnam ang umasekaso sa bagong hairstyle ni Herlene. Habang ginagawa ang kanyang buhok ay tuloy ang kulitan nila ng It's Showtime host.
Pinakausap at pinakita din ni Ryan sa ina niya si Herlene sa pamamagitan ng isang video call. Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa kwelang kulitan ng dalawa.
Narito ang mga komento ng mga netizens:
Cute nila tignan Sana Meron sila movie super nakatawa talaga .
Interesting ang collab niyo.. Love the result of her hairstyle too!
Yung tawa ko may kasamang kilig. Parang bagay!! More collab please.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.
Kamakailan ay naging usap-usapan ang house raid na ginawa ni Vice Ganda sa apartment ni Ryan Bang dahil sa mga nakita nitong mga gamit na pambabae sa condo ng TV host.
Gayunpaman, nauna nang pinaalam ni Ryan na mayroon na siyang kasintahan.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh