Mahusay na artist, mabilis na naiguhit ang isang babaeng nakatayo lamang sa harap niya
- Viral ngayon ang video ng isang mahusay na artist kung saan mabilis niyang naiguhit ang isang babae
- Sa isang iglap, kuhang-kuha niya ang anggulo ng kanyang 'schoolmate' na nagkataong nakatayo sa may harap lamang niya
-Naglakad na ng papapalayo ang babae ngunit nahabol pa rin niya ito upang maibigay ang kanyang naiguhit
- Nagulat ngunit natuwa naman ang babaeng walang kaalam-alam na naiguhit na pala siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang bumilib sa mahusay na artist na si John Carlo Mallari nang magawa nitong maiguhit agad ang babaeng nakatayo lamang sa kanyang harap.
Nalaman ng KAMI na nadadalas nang gumawa si John Carlo ng mga sketch ng tao na nasa paligid niya.
Katunayan, ang babaeng naiguhit niya nang siya ay nasa paaralan ay part 4 na lamang ng kanyang mga ginagawang video sa pagguhit sa mga 'random people.'
Gamit ang HB pencil, Charcoal pencil at sketch book kuhang-kuha niya ang detalye at anggulo ng babaeng naisipan niyang iguhit. Bago pa man tuluyang makalayo ang babaeng kanyang iginuhit, na-iabot pa niya ang kanyang munting handog para rito.
Labis na nagulat ngunit talagang natuwa ang babaeng kanyang nabigyan ng kanyang obra.
Narito ang kabuuan ng kanyang video na naibahagi rin sa Guhit Pilipinas:
Kamakailan, nag-viral din ang handog ng isang artist sa kanyang ama. Una na niya itong naregaluhan ng malaking potrait para sa kaarawan.
At nito lamang Hunyo, muli niya itong sinurpresa bilang kanyang handog sa pagdiriwang ng Father's Day.
Ayon sa artist, ito ang kanyang pasasalamat sa ama na siyang sumporta sa kanyang hilig sa pagpinta at paguhit.
Sobrang sipag daw ng kanyang ama na pawang pagsasaka ang pinagbubuhay sa kanilang walong magkakapatid. Lima na ang nakapagtapos kasama si Nestor habang tatlo ang nag-aaral pa.
Bagaman at nakapagtapos si Nestor ng Marine Engineering, full time artist na siya ngayon na kumikita ng nasa Php23,000 kada obra na ginagawa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh