Misis na nagtext lang sa programa ni Tulfo, nagkaroon na ng pambayad sa bahay

Misis na nagtext lang sa programa ni Tulfo, nagkaroon na ng pambayad sa bahay

- Sinuwerte ang isang ginang nang matawagan siya ni Raffy Tulfo bilang mabibigyan ng ayuda

- Kwento ng ginang, minsan na siyang natawagan ng programa ngunit di niya ito nasagot

- Matiyaga pa rin siyang nagtitext sa Raffy Tulfo in Action sa pagbabakasakaling mabibigyan siya ng tulong ng kanyang Idol

- Dahil sa tulong ni Tulfo, nagkaroon siya ng pambayad sa bahay na mahigit isang taon niyang 'di nababayaran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng saya ang misis na si Charlone Perez nang matawagan siya ni Raffy Tulfo para mabigyan ng ayuda.

Nalaman ng KAMI na matiyaga talaga si Charlone na magtext sa programa ni Tulfo sa pagbabakasakaling mapipili siya.

Tila iniadya talaga ng tadhana na siya ang mabibiyayaan ng tulong. Ikalawang beses na kasi siyang tinawagan ng RTIA ngunit ang unang beses ay hindi niya nasagot.

Read also

OFW, emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang naipatayong tahanan

Misis namahigit isang taong 'di nakakabayad ng renta sa bahay, natawagan ni Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kaya naman nang marinig ang boses ng kanyang Idol Raffy, halos hindi ito makapaniwala lalo na at alam niyang mabibigyang solusyon na ang kanyang problema.

Isa't kalahating taon na raw kasi silang hindi nakakabayad sa renta nila sa bahay. Ngunit dahil mabait ang kanilang landlord, isang taon na lamang ang sinisingil sa kanila.

Muntik pa umano silang mapaalis ngunit dahil siya nga ang napiling tulungan ni Tulfo, hindi na niya ito poproblemahin.

Buhat nang mag-pandemya, Enero lamang ngayong taon nakabalik ng trabaho ang kanyang mister.

Kabis na nagpapasalamat si Charlone sa kanyang Idol Raffy na dinagdagan pa ng Php10,000 ang tulong upang mayroon silang panggastos.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

OFW, hindi manlang natirahan ang naipundar na bahay na bigla na lamang gumuho

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel