Magkapatid na OFW, nagtulungan upang maipatayo ang 'dream house' ng kanilang pamilya

Magkapatid na OFW, nagtulungan upang maipatayo ang 'dream house' ng kanilang pamilya

- Ibinahagi ng magkapatid na OFW ang kanilang pagtutulungan upang maipatayo ang 'dream house' ng kanilang pamilya

- Sa loob ng limang taon, masaya silang nakita ang dating pinapangarap lamang nilang sariling tahanan

- Malaki rin umano ang kanilang natipid dahil sa mismong ang kanilang ama ang gumagawa madalas

- Sunod naman nilang pinaghahandaang magkapatid ay ang pagpapatayo ng negosyo nilang fitness gym

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagtulungan ang magkapatid na sina Jackielou Florida at ate nitong si Maria Jessa Florida sa pagtupad ng dati lamang na pinapangarap na sariling bahay ng kanilang pamilya.

Ibinahagi ni Jackielou sa KAMI ang pagpupursige nilang magkapatid upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga magulang.

Bagaman at mahirap ang kalagayan nila ngayong hindi nila kasama ang pamilya sa panahon ng pandemya, panatag naman ang kanilang kalooban na nakatira na ang mga ito sa tahanang handog nilang magkapatid.

Read also

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, binigyan ng negosyo ni Tulfo

Magkapatid na OFW, nagtulungan upang maipatayo ang 'dream house' ng kanilang pamilya
Sina Jackielou at Mari Jessa Florida
Source: UGC

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Jackielou:

Ako po si Jackielou Florida isang factory worker sa Taiwan for 5 years. 26 years old na po ako from Caloocan. 2 years vocational grad ako computer programming, 3rd honorable.

Sa edad na 20, naisipan namin ng nakakatanda kong kapatid na si Maria Jessa Florida na maging isang OFW dahil sa hirap ng buhay at pangarap na makaahon.

Mahirap maging isang OFW. Kaya napaka-thankful ako sa mga magulang ko na todo support saamin at walang humpay na ipadama ang pagmamahal nila kahit kami ay nasa malayo.

Sa tulong ng aking pamilya sa pag-manage ng construction ng aming "Dream house," napatayo na namin ang pinakapapangarap naming bahay. Halos 5 years in the making mostly papa ko ang gumagawa kaya malaki ang naging tipid.

Nag-tulungan kami ni Ate para patayo ang dream house namin ngayon. Now kasi natupad na namin yung dream house, next pag-abroad ko sa Japan naman. Plano din naman ang mag-business, gusto namin mapundar like gym.

Read also

Ogie Diaz, ₱4 Million ang ginastos sa anak; tumulong pa rin sa ibang baby sa ICU

Magkapatid na OFW, nagtulungan upang maipatayo ang 'dream house' ng kanilang pamilya
Ang bahay na naipundar nina Jackielou at Maria Jessa para sa kanilang pamilya
Source: UGC

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.

Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica