Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, binigyan ng negosyo ni Tulfo

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, binigyan ng negosyo ni Tulfo

- Naisakatuparan na ang tulong na ipinaaabot ni Raffy Tulfo sa biyuda ng napagkamalang magnanakaw at napatay ng pulis

- Ang mister lamang ang nagtataguyod noon sa kanilang pamilya kaya nang mapaslang ito, wala na silang ibang pinagkakakitaan

- Dahil dito, nagbigay ng negosyo si Tulfo sa misis ng napaslang ng pulis

- Ipinagpatayo pa niya ito ng sariling tindahan sa harapan lamang ng kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natupad na ang ipinangakong tulong na ipaabot ni Raffy Tulfo sa biyudang si Carla Pineda.

Matatandaang si Carla ang misis ni Federico na napagkamalang magnanakaw ng pulis sa Sta. Rita Pampanga.

Ang masaklap, naganap pa ang pamamaril sa mismong selebrasyon ng kaarawan ng bunsong anak nina Federico.

Misis ng napagkamalang magnanakaw at napatay ng pulis, binigyan ng negosyo ni Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Pareho umano ang damit ng totoong magnanakaw at ni Federico kaya raw ito napagkamalan ng pulis.

Nalaman ng KAMI na dahil ang mister lamang ang nagtatrabaho noon para sa kanilang pamilya, walang ikinabubuhay si Carla buhat nang mawala ang mister.

Read also

Mag-asawang binihisan at pinakain ang isang lalaking palaboy, hinangaan ng marami

Kaya naman to the rescue si Tulfo at binigyan siya ng sariling negosyo na clothing line.

Ipinagpatayo pa niya ito ng sariling pwesto na nasa harap lamang ng kanilang tahanan.

Sa ganitong paraan, maalagaan pa rin daw ni Carla ang kanyang mga anak kahit na siya ay nagha-hanapbbuhay.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica