Raffy Tulfo at Mayor Vico Sotto, nagtulungang madakip ang mga 'scammer' sa Pasig
- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isa sa mga umano'y naloko ng mga 'scammer' sa Pasig City
- Office assistant umano ang posisyon na hinahanap sa kompanya na hindi naman masabi kung anong klaseng serbisyo ang ibinibigay
- Humihingi pa umano ang mga ito ng Php 500 sa mga aplikante upang masigurado raw na matatanggap ito sa posisyong nais pasukan
- Nagpaunlak din ng panayam si Mayor Vico Sotto sa programa ni Tulfo at sinabing mayroon na agad siyang pinapuntang mga tao sa nasabing kompanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagsanib pwersa na si Raffy Tulfo at Mayor Vico Sotto upang agad na maaksyunan ang inireklamong kompanya na Prolific Health Options and Trading Inc. na nanghihingi umano ng pera sa mga aplikante nito.
Nalaman ng KAMI na isa sa mga naloko ng kompanya ang dumulog sa programa ni Tulfo na 'Wanted sa Radyo.'
Sa salaysay ng naging aplikante na si Joseph Austria, sinabing nakita lamang nila sa social media ang post na nagsasabing naghahanap ng office assistant ang kompanya sa Pasig City.
Dahil sa kailangan niya ng trabaho at tingin niyang pasok siya sa kwalipikasyon na nakasaad sa post, pumunta siya at nag-apply.
Nagduda si Joseph nang hindi masagot ng diretsa ng mga taong nadatnan niya ang linya ng serbisyo na kanilang ibinibigay.
Ang masaklap, hiningan pa sila ng Php500 para raw masiguro na matatanggap sila sa trabahong nais pasukan.
Doon na naalarma si Joseph gayundin ang iba niyang kasama. Sa gawaing iyon, masasabing 'scam' lamang ito at nanloloko ng mga taong naghahanap ng trabaho ngayong pandemya.
Nakapanayam din ni Tulfo ang HR officer ng Prolific Health Options and Trading Inc. At dahil inamin nila ang umano'y panghihingi ng pera, agad na maipasasara ang kanilang kompanya.
Nagpaunlak din ng panayam si Mayor Vico Sotto sa programa ni Tulfo. Sa mga oras na iyon, nakapagpadala na umano siya ng tao upang paimbestigahan ang gawain ng kompanyang minsan na nilang ipinasara.
Hinimok din nito ang mga nabiktima na magsampa ng kaso upang tuluyan na maturuan ng leksyon ang mga umano'y scammer sa kanilang lungsod.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh