Nestle Chuckie, ipina-Tulfo dahil sa kakaibang itsura at lasa nito
- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na post patungkol sa chocolate drink na Nestle Chuckie
- Binili umano ito sa tindahan para sa bata na agad na nalasahan na kakaiba ang kanyang paboritong chocolate drink
- Nang buksan ito ng lolo ng bata, doon nila nakita na tila inamag na ang loob nito at tila may puti nang nakalutang dito
- October 2021 pa naman ang expiration date nito at ang iba pang Chuckie na nakasabay nilang binili nito ay maayos pa naman ang kondisyon
- Tumawag na rin ang taga-Nestle Philippines sa nagreklamo at ipinaliwanag na umano sa kanya ang maaring nangyari sa produkto
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang post ni James Daniel Correa kaugnay umano sa chocolate drink na Nestle Chuckie na mayroon nang kakaibang itsura at lasa.
Nalaman ng KAMI na binili ni James ang apat na chocolate drink para sa kanyang anak at pamangkin.
Ang tatlo rito ay maayos pang nainom maliban lamang sa isa na muntik nang mainom ng kanyang anak.
Dahil sa paborito ng bata ang Chuckie, mabilis nitong nalasan na kakaiba at "maasim" na raw ang lasa nito.
Nang ibigay niya nga ito sa kanyang lolo, tinikman din ito ng matanda saka binuksan. Doon bumungad sa kanila ang tila amag na at kulay puti na nakalutang na sa inumin.
Tiningnan naman nila ang expiration date at October 2021 pa naman ito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nang usisain naman sa tindahan na kanilang pinagbilhan, bukod tangi nga na ang muntik lang mainom ng anak ni James ang animo'y panis na talaga.
Pahayag pa ni James kay Tulfo, ipinaliwang na raw sa kanya ng kinatawan ng Nestle Philippines ang posibleng nangyari sa inumin.
Hindi naman na nagsampa pa ng kung anumang kaukulang reklamo si James. Magsilbing aral na lamang ito lalo na sa mga inumin na pambata at may straw na hindi agad na makita ang kanilang iniinom.
Patuloy pa rin umanong paiimbestigahan ng Nestle Philippines ang nangyaring ito sa inuming nabili ni James.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh